Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Itan Rosales Tiffany Grey BF Kamadora

Tiffany Grey na-akward nang panoorin ng BF ang pelikulang Kamadora

ni Allan Sancon

HINDI talaga matatawaran ang galing ni Direk Roman Perez Jr. sa paggawa ng mga erotic-sexy film. Isa na namang obra maestro ang kanyang nilikha, ang Kamadora na pinagbibidahan ng baguhang si Tiffany Grey

Istorya ito ng isang sales lady sa isang department store na naging makulay ang buhay dahil sa dami ng kanyang pinagdaanan. Kasama sa pelikula ang award winning Urian Best Supporting actor na si Junjun Quintana na pinuri ang galing sa pagganap ng isang kontrabidang pulis na nagpahirap sa karakter ni Tiffany. 

Kasama rin sina Ethan Rosales, Victor Relosa at marami pang iba.

Laking pasasalamat ng mga actor sa pelikulang ito kay Direk Roman dahil binigyan sila ng pagkakataon na mailabas ang kanilang talento sa pag-arte. Si Direk Roman kasi ang tipo ng director na binibigyan kalayaan ang kanyang artista na umarte ng natural at organic. 

Kinakitaan ng potential ni Direk Roman si Tiffany sa pag-arte kaya bumagay sa kanya ang karakter ni “Ica”.

Isa palang Cebuana si Tiffany kaya kapansin-pansin ang punto nito sa kanyang pananalita sa pelikula. Pero hinayaan ni Direk Roman na gamitin nito ang kanyang pagiging Cebuana. Natuwa si Tiffany dahil hindi na kailangan pang ipa-dub sa iba at patungan ang kanyang boses sa pelikula. Bumagay naman sa kanya ang pagiging sales lady na nagmula sa isang probinsiya.

Natanong namin kung ano ba ang naging reaksiyon ni Tiffany habang pinanonood ang sarili sa big screen.

Natuwa naman po ako kasi feeling ko ibinigay ko ‘yung best ko para mapaganda ang pelikula. Very challenging ang role na ginampanan ko rito but I thank Direk Roman dahil sa tulong niya ay nagawa ko naman ito ng tama,” pahayag ni Tiffany.

Spotted sa private screening ng “Kamadora ang Fil-Am boyfriend ni Tiffany na taga-Guam at hindi marunong mag-Tagalog pero pinanood ang buong movie para suportahan ang GF. 

Natanong si Tiffany kung ano ang feeling niya na pinapanood ng BF nya ang ilang maseselang eksena niya sa pelikula.

Medyo awkward nga, sabi ko sa kanya, takpan niya ‘yung mata niya ‘pag may maselang eksena, pero sabi nya, ‘I want to watch, you’re so beautiful,’” natatawang kuwento ni Tiffany.

Magsisimula nang ipalabas ngayong August 11, 2023 ang Kamadora sa Vivamax. Abangan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …