Saturday , November 16 2024
My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

Bagong Tiktok serye ng Puregold Channel, My Plantito, ipinalabas na ang trailer

PATULOY na nagbabago ang digital na mundo pagdating sa mga pelikula, palabas, at paraan ng video streaming, at patuloy ding sinisikap ng Puregold na manguna sa paglikha ng mga seryeng bago at kakaiba, ngunit papatok at kagigiliwan ng mga manonood dahil lapat sa kanilang mga buhay–ganito ang handog ng retailtainment ng Puregold.

Nitong mga nagdaang taon, ipinakita ng Puregold ang kakayahang itampok ang kapangyarihan ng mahusay na pagkukuwento, sa pamamagitan ng nauna nitong mga seryeng GVBoys: Pangmalakasang Good VibesSumunod dito ang Ang Babae sa Likod ng Face Maskat ang katatapos lang na Ang Lalaki sa Likod ng Profile, na talaga namang pumukaw sa atensiyon ng mga Filipino dahil damang-dama nila ang danas ng mga tauhan sa bawat palabas. Sa husay ng Puregold, nanalo ang Tiktok serye nitong 52 Weeks ng Best Social Media Campaign for Tiktok sa Hashtag Asia.

Ngayon, handa na muli ang Puregold Channel na sorpresahin ang mga manonood, sa tulong ng una nitong Boy-Love (BL) serye na My PlantitoSa pinakabagong serye ng Puregold, hangad nito na bigyang-pokus ang mga Kuwentong Panalo ng lahat ng Filipino, ano man ang estado nila sa buhay.

Ipinalabas ang opisyal na trailer ng My Plantito noong Agosto 8, eksaktong 8:08 p.m., habang nakatakda namang ipalabas ang unang episode ng serye sa Agosto 23, sa Tiktok at YouTube Channel ng Puregold.

Itinatampok ang pares nina Kych Minemoto at Michael Ver, dadalhin ng My Plantito ang mga manonood sa isang paglalakbay na puno ng pagmamahal at pagkilala sa sarili. Ipinapangako ng serye na ipakikita nito ang halaga ng pagkakaiba, pagtanggap, at pagiging inklusibo, bilang pagpapatibay sa pangarap ng Puregold na magbigay plataporma sa mga Kuwentong Panalo.

Ibinahagi ni Ms. Ivy Hayagan Piedad, Marketing Senior Manager ng Puregold, ang pagkasabik sa bagong serye: “Layunin ng Puregold na maging aksesibol ang mga kuwentong mahalaga at makapangyarihan. Noon pa man, ang pag-ugnay sa aming mga suki ang nagtutulak sa amin patungong pagtatagumpay. Isang paraan ang mga digital serye na katulad ng ‘My Plantito.’”

Pinangungunahan ang My Plantito ng mahusay na tambalan ng premyadong si Chris Cahilig bilang producer at ang talentadong si Lemuel Lorca bilang direktor. Tampok din sa serye sina Ghaello Salva, Elora Espano, Derrick Lauchengco, and Devi Descartin.

Binigyang-diin din ni Piedad ang halaga ng paglalaan ng espasyo sa mga kuwentong gaya ng My Plantito, na ipinakikita ang importansiya ng pagkilala sa sarili, pagmamahal sa pamilya, at pakikisama sa mga kaibigan. 

Hangad namin na magsimula ang palabas ng mga pag-uusap tungkol sa pagiging ligtas ng mga espasyo para sa lahat, at sinisiguro namin na tumutulong ang Puregold Channel na marinig ang lahat ng uri ng mga tao.”


Panoorin ang opisyal na trailer sa link na ito: https://vt.tiktok.com/ZSL4CxufB/

About hataw tabloid

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …