Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerome Ponce, Rhen Escano

Jerome Ponce gusto si Rhen Escano; kapwa artista kilig sa dalawa

ni Allan Sancon

TALAGANG tuloy-tuloy na ang pagpapalabas ng mga magaganda at dekalidad na Original Series ng Viva One matapos ang tagumpay na teen series na The Rain In España. Sinundan pa ito ng suspense-drama-thriller na Deadly Love.

Ngayon ay isa na namang love story drama series ang handog ng Viva One na pinamagatang Kung Hindi Lang  Tayo Sumuko, na pinagbibidahan ng mga magagaling na actors in their generation na sina Jerome Ponce, Rhen Escano, Ryza Cenon, Kiko Estrada, Coleen Garcia, at Carlo Aquino

Hango ito sa best selling author ng mga librong Para sa Hopeless Romantic at “

Para sa Broken Hearted na si Marcelo Santos III. 

Sa katatapos na press conference ng nasabing series ay pabirong ibinuko ni Ryza Cenon na may nabubuong bagyo at tunay na pag-iibigan kina Jerome at Rhen. Maging sila ay kinikikig sa mga eksena ng dalawa. 

Dahil pareho naman silang single natanong si Jerome kung posible ba siyang ma-in love kay Rhen?

Yes!” mabilis na sagot ni Jerome. 

Nang si Rhen naman ang tanungin ay sumagot ito ng, “Natatakot kasi ako, dahil sa dami ng pinagdaanan ko sa aking nga past relationship natatakot akong lokohin uli.”

Honest naman sa kanya si Jerome  na kadalasan ang aktor pa ang nang-iiwan sa kanyang girlfriend.

Abangan ang limited series na ito ng Viva One na mag-iiwan ng sakit at kirot sa puso at tuturuan ang mga manonood kung paano mapamahal at magbigay ng ilang ulit na pagkakataon. This is directed by Carlo Enciso CatuKung Hindi Lang Tayo Sumuko, streaming exclusively sa Viva One simula sa August 21, 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …