Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Gerald Anderson Gabbi Garcia Jodi Sta Maria Richard Yap

Joshua sa pagpapakasal ni Julia kay Gerald — kung saan sila masaya, support ako roon

ni Allan Sancon

Sobrang blessed at honored si Joshua Garcia na isa siya sa mga Kapamilya na naging bahagi ng unang collaboration ng ABS-CBN at GMA 7 para sa isang teleserye ng VIU, ang Unbreak My Heart. Masaya siyang makatrabaho ang Kapuso na si Gabbi Garcia.

Biniro tuloy siya ng ilang press kung kamag-anak nya ba si Gabbi dahil pareho sila ng apelyido.

“Hindi, kasi Lopez talaga ang apelyido niya. Ang weird naman kung Gabriela Lopez ang gagamitin niya.  Kaya Gabbi Garcia na lang daw ang ginamit nya,” sabi ni Joshua nang makausap namin ito sa isinagawang mediacon ng Unbreak My Heart na pinagbibidahan nilang tatlo nina Jodi Sta Maria, Gabbi kasama si Richard Yap

Pinag-usapan din ang kissing niya with Jodi at Gabbi sa series kung ano ba ang pinagkaiba ng halik niya sa dalawa?

“Magkaiba ‘yung atake sa dalawa. With Jodi mas passionate, mas mabagal at mas ramdam. With Gabbi naman,  passionate din naman pero ‘yung tugma naman sa edad namin pero may diin ng kaunti,” esplika ni Joshua.

Naurirat din namin ang reaksiyon ni Joshua sa balitang tumawag si Gabbi kay Julia Barretto para magpaalam na magkakatrabaho sila ng binata.  

“Napanood at nakita  ko ‘yun, hindi ko alam ‘yung napag-usapan nila. It’s between them,” sagot nito.

Ukol naman sa napapabalitang pagpapakasal ni Julia kay Gerald Anderson, sinabi ni Joshua na, “Hindi ko alam, bago sa akin ‘yan at ngayon ko lang narinig. Pero kung saan sila masaya, support ako roon. Medyo matagal-tagal na rin kaming ‘di nagkakausap ni Julia dahil busy na kami sa kanya-kanya naming project. Pero kung may opportunity na magkatrabaho uli kami. Why not?”

Mapapanood ang romantic-drama series simula May 29 sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., Lunes-Biyernes, 11:25 p.m. sa GTV, at available rin ito sa GMA Pinoy TV at TFC. Ii-stream din ito 48 hours bago ang TV broadcast sa Pilipinas sa GMANetwork.com at iWantTFC at sa 16 territories sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng Viu simula Mayo 27.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …