Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ABS-CBN Kapamilya Online Live

Primetime shows ng ABS-CBN may 642 milyon views sa Kapamilya Online Live 

TUTOK na tutok ang mga manonood sa primetime shows ng ABS-CBN matapos itong magtala ng higit 642 milyong total views sa Kapamilya Online Live mula Pebrero hanggang Abril 2023. 

Para sa buwan ng Abril, nakakuha ng pinagsama-samang 194 milyong views ang  FPJ’s Batang QuiapoThe Iron Heart, at Dirty Linen sa Kapamilya Online Live sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, na mayroong  36 milyong Facebook followers at 43.7 milyong YouTube subscribers. 

Mas madali naman at tiyak na hindi mabibitin ang mga manonood sa pagsubaybay nila ng mga paborito nilang palabas dahil extended na ng 14 araw ang on-demand streaming ng latest episodes ng ilang ABS-CBN shows tulad ng FPJ’s Batang Quiapo at The Iron Heart. 

Tutukan ang maaaksiyong tagpo ni Tanggol (Coco Martin) sa FPJ’s Batang Quiapo sa pagsisimula niya ng bagong yugto ng kanyang buhay bilang isang mabuting tao kasama si Mokang (Lovi Poe). 

Samahan si Apollo (Richard Gutierrez) sa pagpapatuloy ng kanyang misyon na pigilan si Priam (Albert Martinez) at ang kanyang sindikatong Tatsulok sa hit seryeng The Iron Heart. 

Bukod sa dalawang primetime shows, makakapanood din ng hanggang 14 araw ang iba pang Kapamilya shows tulad ng Magandang Buhay, It’s Showtime, I Can See Your Voice, The Voice Kids, ASAP Natin ‘To, pati na ang mga minahal na teleseryeng  Be Careful with My Heart, Ang Sa Iyo Ay Akin, at A Soldier’s Heart. 

Sa YouTube, tuloy-tuloy ang panonood ng Kapamilya Online Live simula umaga hanggang gabi habang sa Facebook naman ay may regular na timeslots ang lahat ng programa at may break sa pagitan ng timeblocks.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …