ISA sa mga nominado si Kathryn Bernardo sa 2023 Seoul International Drama Awards (SDA) bilang Outstanding Asian Stars category.
Makakalaban ng 27-year-old actress ang mga artistang mula South Korea, China, Thailand, Japan, at Taiwan.
Ayon sa organizers, maaaring bumoto ang fans para sa kanilang favorites via voting app Idolchamp simula June 15.
Ang 18th edition ng Seoul Drama International Awards ay gaganapin sa September 21, at may live broadcast sa Korea’s KBS2TV.
“Winners selected by the vote will also be invited to the ceremony to share the joy of winning the award with the general public,” ayon sa group.
Noong 2022, isa si Belle Mariano sa limang honorees sa region na personal na na-receive ang kanyang award bilang Outstanding Asian Star mula SDA.
Taong 2006 nag-umpisa ang SDA na sinasabing bukod-tanging international drama festival sa South Korea na nagbibigay-halaga sa mga drama trend across the globe.
Sa ngayon, tatlong pelikula ang dapat abangan kay Kathryn, ito ay ang A Very Good Girl kasama si Dolly de Leon at idinirehe ni Petersen Vargas; Elena 1944 na pamamahalaan ni Olivia Lamasan; at isang pelikulang pagsasamahan muli nila ni Daniel Padilla na ididirehe ni Cathy Garcia-Molina.