Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jervis Manahan Edric Calma

Balita ukol sa West PH Sea at TeleRadyo host kabilang sa mga nagwagi 
MGA PERSONALIDAD NG ABS-CBN NEWS, PINARANGALAN SA GANDINGAN AWARDS

WAGI sina ABS-CBN broadcast journalist Jervis Manahan at TeleRadyo host Edric Calma sa 17th Gandingan Awards ng University of the Philippines Los Baños. 

Kinilala bilang Most Development-Oriented News Story ang balita ng mamamahayag na si Manahan tungkol sa mga pinagdaraanang hamon ng mga Filipinong mangingisda sa West Philippine Sea. 

Bahagi ang balita ni Jervis sa tatlong linggong coverage ng ABS-CBN News sa expedition ng UP Marine Science Institute scientists sa Pag-asa Island. 

Hindi madalas napakikinggan ‘yung kanilang boses [mga mangingisda sa West Philippine Sea], kaya dapat mas binibigyan ng espasyo sa telebisyon at ibang media platforms,” ani Jervis sa kanyang acceptance speech. 

Samantala, nagwagi naman si Edric bilang Best TV Program Host. “Ang media po ay hindi lamang talaga pang-entertain, hindi lamang po talaga pagbibigay ng information ang ginagawa, kundi napakahalaga po ng education na maaaring ibigay ng media, edukasyon na magagamit para paunlarin ang kanilang kabuhayan, ang ating estado sa ating lipunan, at pang-apat ‘yung ating public service,” sabi ni Edric. 

Pinaparangalan ng Gandingan Awards ang mga bukod-tanging balita, programa, at personalidad tuwing taon. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …