Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
David Chua Devon Seron Net 25 Summer Blast 

ChuRon naghatid ng libo-libong kilig sa NET25 Summer Blast

FEELING legit rock star ang chinito hunk at GoodWill bida na si David Chua habang hinaharana ang kanyang rumored jowa at co-star na si Devon Seron sa Net 25 Summer Blast music festival, na itinanghal sa Philippine Arena last weekend, May 13.

Mahigit 150,000 ang nagpunta sa Summer Blast sa Philippine Arena na nilahukan ng ilan sa mga bigating OPM bands gaya ng SpongeCola, Rocksteddy, Gloc-9, Silent Sanctuary, Sunkissed Lola, Lunar Lights, Soapdish, Bandang Lapis, Dilaw, Noah Alejandre, at Calista.

Dream come true l para kay David na mag-perform sa ganoong kalaking crowd.

Aniya, “Sobrang saya! Roon ko lang na-realize na marami palang nagmamahal sa aming show ganoon din karami ang sumusuporta sa loveteam naming ni Devon.”

Tuwang-tuwa ang binansagang “Bagong Oppa Ng Bayan” noong bumaba siya ng stage at nakipaghalubilo sa fans. 

Feeling rock star talaga ako! Nakaka-touch lang talaga na ganoon ka-responsive ‘yung crowd, lalo na noobg pumunta ako sa moshpit,” sabi ni David. 

Game na game naman ‘yung fans na nakikipag-finger hearts at todo-selfie mode,” dagdag niya.

Bukod sa mainit na pagtanggap ng fans, todo pasalamat din si David sa walang sawang suporta ng Net 25, na itinuturing na niyang second family.

Lahad niya, “Sa NET25 ramdam ko ‘yung pagkakaroon ng pamilya. That’s why I never think twice about showing up for any of their promotional events or activities. I’d gladly do it for them, and I say that galing sa puso.”

Pero teka, ano na nga ba ang latest sa ChuRon loveteam nila ni Devon? Di ba’t kamakailan ay may naglabasang chismax na break na raw sila? At kesyo spotted daw si David na may kasamang girlaloo?

Eto rin naman kasing ating rockstar oppa, parang lagi na lang yatang aligaga sa pakikipag-date kung kani-kanino. 

Elusive bachelor daw?

Abangan na lang natin ang season two ng GoodWill at baka naroon lang ang sagot sa mga haka-haka. Balita na level-up ang production ng show, dahil kumuha sila ng bagong team of writers, kabilang na ang uber-talented stand-up comic na si Alex Calleja.

At hindi lang ‘yan! Marami pang kaabang-abang na celebrity guests tulad nina Meg Imperial, ang longtime Eat Bulaga showdown gurl na si Samantha “Grasya” Lopez, ang biglang pagsulpot ni Miss Korina Sanchez-Roxassa pilot episode (huwat??!!) at marami pang iba.

Kasama pa rin sa series ang award-winning na si Raymond Bagatsing, Kat Galang, Smokey Manoloto, Ryan Rems, at James Caraan sa pagbabalik ng barkadang minahal niyo na.

Kaya save the date at abangan ang GoodWill season 2 premiere sa NET25 sa darating na May 27, 4:00-5:00 p.m., bago umere ang Korina Interviews!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …