Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
James Merquise

Doll Father ni Direk James Merquise, patok ang premiere sa Cinemateque ng FDCP

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGINg matagumpay ang ginanap na premiere showing ng pelikulang Doll Father ni Direk James Merquise na ginanap sa Cinemateque ng FDCP last April 25, 2023.

Present sa nasabng event ang pangunahing tauhan ng pelikula na sina  Lino Mallari na bida rito, at ng teen actresses na sina Alexa Cruz and Brianna Esguerra. Nandoon din ang newcomers na sina Marc Tablizo at John Mella.

Labis naman ang kagalakan ni Direk James sa resulta ng premiere ng Doll Father na mula sa AAGS Movie Production.

Pahayag ni Direk James, “Nakakatuwa po kasi nadala ng pelikula namin ang mga audience, marami ang naluha habang nanonood ng pelikula.” 

Ang Doll Father ay ukol sa isang bading na ama na si John na nag-ampon sa dalawang batang babae, sina Alexa at Brianna. Na matapos ang maraming taon ay nagpakitang muli at gustong bawiin ang kanyang dalawang anak.

Dumalo din sa premiere ng pelikula ang direktor ng Viva na si Carlo Alvarez at CEO ng Rad App. Si Ms. Angie Montero na movie producer ng Bakas ni Yamashita 2022 ay nanood din dito with son na si Alfred Montero. Pati na ang CEO ng Piko App na si Nel Talavera at nagbigay ng Piko Awards.

Nakita rin sa FDCP Cinemateque ang nagbabalik showbiz na si Harold Montano, na isa sa bida sa forthcoming movie ni Direk James this year na pinamagatang Kamao Ng Kidlat 2023. Makakasama nila sa movie ang mga bagong talents ni Direk James na sina Miekyla De Guzman, Gericka Daza at Raymond Gravador.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …