Monday , April 28 2025
Restored films ABS-CBN 29th Veso Int’l Filmfest France

Restored films ng ABS-CBN ipinalabas sa 29th Veso Int’l Filmfest sa France

ITINAMPOK kamakailan ang ilan sa digitally restored classics ng ABS-CBN Film Restoration sa nagdaang 29th Vesoul International Film Festival na ginanap sa France.

Ilan sa mga ipinalabas sa international big screen ang digitally restored version ng Nunal sa Tubig tampok si Elizabeth Oropesa, ang war-drama classic na Tatlong Taong Walang Diyos na pinagbidahan ni Nora Aunor, at ang historical-drama film ng Star Cinema na Dekada ’70 nina Vilma Santos, Christopher de Leon, at Piolo Pascual.

Maliban dito, isa rin sa panel speakers ang ABS-CBN Film Restoration head na si Leo Katigbak sa roundtable discussion nito patungkol sa estado ng pelikulang Filipino at ang pag-restore ng natatanging Filipino classics.

Ikinatuwa rin niya na mapansin pa ng mas nakararaming global audience ang ilan sa restored Filipino classics, lalo na at ilan sa mga ito ay gusto rin nilang itampok sa mga susunod na international film festivals.

It’s also been heartwarming to receive many inquiries for our restored films to participate in festivals. I feel that the foreign attention will also benefit us here since it gives the films prominence and a higher profile,” ani Katigbak.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang pagkilala ng restored Filipino classics sa iba’t ibang panig ng mundo, nais ng Sagip Pelikula na hikayatin at mabigyang-pansin ng bagong henerasyon ng manonood sa bansa ang kanilang adbokasiya. Kaya naman patuloy silang nakikipag-ugnayan sa ilang respetadong local film organizations, tulad ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) at iba pa.

Maliban pa rito, malugod ding ibinahagi ni Katigbak ang mga dapat abangan mula sa Sagip Pelikula sa mga susunod na panahon. Aniya, sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng ABS-CBN, patuloy silang maglalabas pa ng restored Filipino classics, lalo ang ilang natatanging pelikula noong pre-World War II at noong golden age ng Pinoy cinema noong 1950s, tulad ng Mutya ng Pasig ngayong Abril at ang unang LVN Pictures film na Giliw Ko.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 200 na pelikula ang na-restore at remaster ng Sagip Pelikula, kabilang ang marquee titles nitong HimalaOro, Plata, MataGanito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon, Kakabakaba Ka Ba?, Ibong Adarna, at iba pa.

About hataw tabloid

Check Also

Nora Aunor Pagpupugay Ng Bayan

Pagkanta ng mga Noranian ng Superstar Ng Buhay Ko nakaaantig ng puso

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI inalintana ng magkakapatid na  Lotlot, Ian, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon at …

Kobe Paras Kyline Alcantara

Kobe may cryptic post, patama kay Kyline?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI ang nag-react sa tila pasaring na post ni Kobe Paras using the …

Miles Ocampo

Miles inaming na-miss ang pag-arte, gagawa ng pambalanse sa Eat Bulaga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MASAYANG tinanggap ng All Access To Artists management group si Miles Ocampo bilang latest artist nila. …

Jodi Sta Maria Untold

Jodi nagtagumpay sa pananakot sa Untold

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD namin sa ginanap na press preview noong Martes ng …

Ogie Alcasid Hajji Alejandro Zsa zsa Gary V Rachel Martin Nievera Regine Velasquez Erik Santos

Ogie pinuri magagandang katangian ni Hajji: an amazing human being

MA at PAni Rommel Placente ISA si Ogie Alcasid sa mga nagbigay tribute sa namayapng kapwa niya …