Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bamboo Camp Kawayan The Voice Kids

Bamboo unang coach na nakakompleto ng team sa The Voice Kids

NALALAPIT na ang pagtatapos ng mga blind audition nang unang mapuno ni Bamboo ang kanyang team na Kamp Kawayan na kinabibilangan ng 18 miyembro sa The Voice Kids noong Linggo (Abril 2).

Malugod na tinanggap ni Bamboo ang dalawang kalahok na nakakompleto ng kanyang team na sina Ma. Christina Aguilar ng Nueva Ecija at Abigail Libosada ng Bukidnon, kapwa 12-anyos.

I will put you in a comfortable position where you can show your best pa. Next time we sing that same song in front of our coaches here, that’s gonna be Kamp Kawayan material,” sabi ni Bamboo kay Abigail matapos nitong mapabilang sa kanyang team.

Sa kabilang banda, isang puwesto na lang ang natitira sa Team Supreme ni KZ Tandingan matapos sumali sa kanyang team ang 3-chair turner na si Leira Raynes (12) ng Caloocan, habang may dalawang puwesto na lang ang MarTeam ni Martin Nievera matapos matanggap si Vino Fernandez (10) ng Laguna.

Bukod sa mga dumagdag sa mga team noong Sabado at Linggo, nakasali na rin sa Kamp Kawayan sina Janriel Villacruel (9) ng Muntinlupa, Girah Paguiragan (9) ng Ilocos Norte, Kirsten Uy (12) ng Quezon, Akiesha Singh (12) ng Bulacan, Charyl Pardo (10) ng Cebu, at Shane Bernabe (12) ng Laguna.

Samantala, dumagdag sa Team Supreme ang mga mahuhusay na bulilit na sina Zoe Quizol (10) ng Quezon City, Noah Donggon (12) ng Bulacan, Marc Antilion (11) ng Dubai, Princess Villanil (12) ng Pasay, Lucho Bobis(11) ng Cagayan, at Janicka Lorenzo (11) ng Bulacan.

Kasama rin sa MarTeam ang mga batang mang-aawit na sina Kendall Valerio (6) ng Bulacan, Jade Casildo (11) ng Tarlac, Krizel Mabalay (12) ng Nueva Ecija, Sean Matthew Drece (12) ng Batangas, Misha Tabarez (10)ng Laguna, Billy Lontayao (10) ng Taguig, Camille Mataga (12) ng Valenzuela, at Rai Fernandez (12) ng Camarines Sur.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …