Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dirty Linen

Dirty Linen may 1 Bilyong online views na 

SIMULA nang umere ang Dirty Linen ng Kapamilya na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, at Seth Fedelin pinag-uusapan na. Kaya naman hindi na kami nagtataka kung hanggang ngayon mainit na topic lagi sa social media ang mga umiigting na komprontasyon dito matapos makakuha ng pinagsama-samang isang bilyong online views sa YouTube, Facebook, TikTok, Instagram, Twitter, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Gabi-gabing nga kasing trending sa Twitter Philippines ang serye na puring-puri ng netizens ang sunod-sunod na pasabog na rebelasyon, pati na rin ang matinding aktingan ng cast. 

Kabilang ang Dirty Linen  sa top two TV shows sa iWantTFC at mayroon din itong all-time high viewership record na 141,957 live concurrent views sa Kapamilya Online Live na lalong tumitindi ang paghihiganti ni Alexa/Mila (Janine) dahil mukhang gumagana ang pang-aakit niya kay Aidan (Zanjoe) para pabagsakin ang pamilya Fiero. 

“Ang powerful masyado ng bawat eksena ng Dirty Linen and in fairness, sobrang galing talaga ng musical score, the transitions and thought provoking themes are light years away from anything we have seen in Philippine television,” sabi ni @dirtylenin sa social media. 

Fierce. One word to describe #DirtyLinen from the masterful direction, amazing actors and ensemble, powerful dialogue, near flawless cinematography and a musical score that is both thematic and thought provoking. Truly amazing!” komento ni @Mist3frine.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ngayong linggo, tiyak na mas maraming manonood ang manggigigil sa pamilya Fiero dahil aligagang-aligaga na si Carlos (John Arcilla) sa itinatagong sikreto ng kanyang asawang si Leona (Janice de Belen). Hindi pa alam ni Carlos na may sarili pa lang ilegal na sabungan ang kanyang misis na maaaring magpabagsak sa kanilang pamilya kapag nalaman ng mga awtoridad.

Huwag palampasin ang Dirty Linen  gabi-gabi ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …