Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jason Dy Ulit-ulit

Ulit-ulit ni Jason Dy patikim bilang bagong Star Music recording artist 

KAKAIBANG Jason Dy ang maririnig ngayon sa R&B dance song na Ulit-ulit, ang una niyang patikim bilang bagong miyembro ng Star Music family.

Inilunsad ni Jason ang kantang ito noong March 1, eksaktong walong taon pagkatapos niyang magwagi bilang The Voice Philippines season 2 champion.

Sa bagong era ng kanyang music career, handa na ang tinaguring Prince of Soul ng bansa na ibida ang bago niyang tunog sa pamamagitan ng pagsubok sa ibang music genres na iba sa nakasayanang tunog ng kanyang fans. 

Kasama na rito ang nakaiindak na Ulit-ulit na tungkol sa pagkadesmaya sa paulit-ulit na pagtatalo ng dalawang tao na may ugnayan.

“The song talks about that point in the relationship where the fights are getting repetitive. Pare-parehas lamang ang argumento at wala namang nare-resolve,” kuwento ni Jason.

“Tungkol ito sa kung karapat-dapat pa bang isalba ang isang relasyon or kailangang tapusin na,” dagdag niya tungkol sa awiting isinulat niya ilang taon na rin ang nakalilipas.

Magiging bahagi ang Ulit-ulit ng mini-album ni Jason na nakatakdang ilabas ngayong taon sa ilalim ng Star Music.   

Pakinggan ang Ulit-ulit ni Jason na available na ngayon sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Music sa FacebookTwitterInstagramTiktok, at YouTube.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …