Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin FPJ Batang Quiapo

Coco Martin at cast ng FPJ’s Batang Quiapo pinagkaguluhan sa Panagbenga Kapamilya Karavan 

IBA pa rin talaga ang magic ng isang Coco Martin. Noong Sabado, March 4, mainit na sinalubong ng napakaraming tao ang Primetime King kasama ang iba pang cast ng  FPJ’s Batang Quiapo, sa Panagbenga Kapamilya Karavan sa Baguio City 

Nakipagrakrakan si Coco sa libo-libong tagahanga na nagtipon sa paligid ng Burnham Park nang kantahin niya ang Beep Beep ng Juan De La Cruz band, suot ang signature nitong porma na leather jacket at shades.

Kasama ng lead star ang iba pang mga cast member na sina Smugglaz, Bassilyo, Norvin at Lovely Dela Pena, Ghost Wrecker, Ryan Martin, Jojit Lorenzo, Ronwaldo Martin, Sugar Ray Mammoth, Bigmak, Baby Giant, at Sen. Lito Lapid na nagpasaya sa mga tao sa kanilang nakatutuwang mga sorpresa at pagtatanghal.

Umawit din para sa mga manonood ang dalawang ABS-CBN Star Music artists na sina Carlo Bautista at Trisha Denise bago ang pangunahing event sa programa.

Ang FPJ’s Batang Quiapo, sa pangunguna ni Coco bilang “Tanggol” at Lovi Poe bilang “Mokang,” ay umere noong Pebrero 13. Maganda ang naging pagtanggap ng mga manonood sa serye dahil nakakuha ito ng 44 milyong views sa unang linggo ng pagpapalabas.

Panoorin ang mga maaksyong eksena ng FPJ’s Batang Quiapo sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, TFC IPTV, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Ang Panagbenga Kapamilya Karavan ay pangatlo pa lamang sa mga aabangang caravan ngayong taon na naging posible sa pagsisikap ng ABS-CBN Regional, ABS-CBN Events, Kapamilya Channel Regional, MOR, at A2Z Regional. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …