Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cesca, Kice inawit ang soundtrack ng Dirty Linen 

ANG Idol Philippines season 2 third placer na si Kice at baguhang singer-songwriter na si CESCA ang umawit ng official theme songs ng patok na ABS-CBN revenge-drama series na Dirty Linen na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Seth Fedelin, at Francine Diaz

Si Kice ang nagbigay-buhay sa power ballad na Simulanna una niyang kinanta nang live sa grand media conference ng serye. Si CESCA naman ang nagbigay ng magandang rendisyon sa awiting Kung Makakapili Langna naririnig kapag may nakakikilig na eksena ang FranSeth tandem—Francine (Chiara) at Seth (Nico).

Tungkol sa pagpili na magmahal ang Simulan na naghahatid ng pag-asang maghihilom ang anumang sugat sa pamamagitan ng pag-ibig. Sina ABS-CBN Music creative director Jonathan ManaloStar Pop label head Rox Santos, at Edmund Perlas ang sumulat ng kanta.

Kuwento naman ng pag-iibigan na dumaraan sa pagsubok dahil sa magkaibang antas sa buhay ang Kung Makakapili Lang na isinulat din ni Jonathan kasama ang Kapamilya artist na si Trisha Denise.

Unang nakilala ang singer-songwriter na si Kice sa Idol PH season 2. Nakatakda na rin niyang pasukin ang pag-arte sa upcoming series na Linlang

Isang visual at multimedia artist naman si CESCA na naglabas ng kanyang debut single na Lovesick (Pagmahalasakit) na nagsilbing daan para pangunahan niya at maging cover siya ng Fresh Finds playlist ng Spotify Philippines. Inilabas niya rin ang sophomore single na Pambihirang Harana noong nakaraang taon.

Pakinggan ang Simulan ni Kice at Kung Makakapili Lang ni CESCA sa Star Music YouTube channel at isa iba’t ibang music streaming platforms.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …