Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Viu Tagalog at Bisaya

100+ na mga programang dubbed sa Tagalog at Bisaya mapapanood na sa Viu

ISANG libreng “Tagdub” (Tagalog-dubbed)-inspired event ang magaganap sa Pebrero 18-19, 2023, sa SM Megamall Activity Center para ipagdiwang ang pagpapalabas ng mahigit 100 Asian dramas na idinub sa Tagalog at Bisaya na mapapanood sa Viu, ang pan-regional OTT video streaming service ng Hong Kong-based ng kompanyang PCCW.

Ayon kay Mr. Vinchi Sy-Quia, Assistant General Manager ng Viu Philippines, umpisa lamang ito sa pagdaragdag nila ng mas maraming dubbed na palabas. 

Aniya, “’Ika, nga, ‘we’ve come a long way’ dahil noong November 2020, kakaunti lamang ang mga dubbed na K-dramas sa Viu. Pero ngayon lagpas na sa 100. Patuloy kaming magdaragdag ng dubbed content. Hindi lang mga palabas mula sa Korea ang tinutukoy ko, kundi mula rin sa China, Thailand, at iba pang Asian countries na ida-dub sa Tagalog, Bisaya, at kung papalarin, sa iba pang wika ng Pilipinas. Iba talaga kapag nadirinig mo ang iyong paboritong artistang nagsasalita ng iyong wika. Mas enjoy at mas tagos sa puso. Ang aming standard ay nakasaad sa tagline na ‘Swak sa dubbing, swak sa feels.’ Mapa-Tagalog o mapa-Bisaya, tiyak na aantig sa puso at damdamin ng manonood na Pinoy ang aming mga dubbed na palabas.”

At para lalong mag-enjoy, bukas at libre sa lahat ang Viu Village sa SM Megamall Activity Center sa Pebrero 18-19. Mag-astang voice actor sa Tagdub booth, i-flex ang inyong galing mag-pares-pares ng drama posters, magpakuha ng litrato sa photo booth, at magkaroon ng pagkakataong manalo ng mga premyo sa interactive games at raffle draws.

At dahil buwan ng mga puso ang Pebrero, ikinakampanya ng Viu ang mga dubbed love stories nila, gaya ng Hotel Del Luna 18 Again, Reply 1988, Encounter, She Was Pretty, The World of the Married Couple, Dr. Romantic, The Last Empress, gayundin ang mga Viu Originals tulad ng Doom At Your Service at River Where The Moon Rises.

Mayroon ding series na nasa Bisaya na tulad ng Descendants of the Sun, at My Girlfriend is a Gumiho. AngTrue Beauty na ngayon ay isa sa pinakasikat sa Tagalog dub ay lalabas din sa Bisaya ngayong taon.

I-download ang Viu app sa Google Play o Apple Store para mapanood nang libre ang iyong paboritong Asian shows, at Tagalog-dubbed at Bisaya-dubbed dramas. Para maging updated, i-follow ang Viu sa official social media accounts nito sa Facebook, Instagram, Twitter at Tiktok.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …