WAGING Best Actress ang veteran movie icon na si Charo Santos habang Best Actor naman si Christian Bables sa katatapos na 5th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Matagumpay ang idinaos na Gabi ng Parangal sa Metropolitan Theater (MET) noong gabi ng November 27 na nagwagi si Charo para sa pelikulang Kun Maupay It Panahon at si Christian para sa Big Night.
Ang naging host ng awards night ay ang nag-iisang King of Talk na si Boy Abunda habang ang OPM legend at singer-songwriter namang si Ice Seguerra ang nagsilbing direktor ng naturang event.
Big winner sa ika-5 edisyon ng The EDDYS Choice ang On The Job: The Missing 8 na nakakuha ng walong tropeo kabilang na ang Best Director para kay Erik Matti, Best Supporting Actress para kay Lotlot de Leon at Best Film (Reality Entertainment).
Bukod sa Best Actor, naiuwi rin ng Big Night ang Best Screenplay para kay Jun Robles Lana.
Nanalo namang Best Supporting Actor si Mon Confiado para sa pelikulang Arisaka.
At tulad ng mga nakaraang taon, naging highlight ng Gabi ng Parangal ang pagbibigay ng 5th The EDDYS sa mga movie icon na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador, Roi Vinzon, Alma Moreno, Elizabeth Oropesa, Helen Gamboa, Divina Valencia, at Sharon Cuneta. Sina Phillip, Roi, Alma, at Divina lang ang nakarating sa awards night.
Nagbigay naman ng pasabog at bonggang-bonggang performance sina Jona, Zephanie, Regine Tolentino, Dance Royalties at ang direktor ng The EDDYS na si Ice.
Tulad ng mga nakaraang taon, ang auditing firm pa rin nina Juancho Robles (Chan Robles & Company, CPAs) ang namahala sa pagbibilang ng mga boto para sa 5th EDDYS.
Narito ang kompletong listahan ng mga nagwagi sa ika-5 edisyon ng The EDDYS:
Best Supporting Actor: Mon Confiado para sa Arisaka; Best Supporting Actress: Lotlot de Leon para sa On The Job: The Missing 8; Best Sound Design: Corinne de San Jose para sa On The Job: The Missing 8; Best Musical Score: Erwin Romulo (On The Job: The Missing 8), Cesar Francis Concio (Love is Color Blind), Teresa Barrozo (Big Night)
Best Original Theme Song: Maghihintay mula sa More Than Bluel(Words, music and performance by Marion Aunor); Best Visual Effects: Mothership para sa On The Job: The Missing 8; Best Editing: Jay Halili On The Job: The Missing 8; Best Production Design: Whammy Alcazaren para sa Kun Maupay Man It Panahon; Best Cinematography: Neil Derrik Bion para sa On The Job: The Missing 8; Best Screenplay: Jun Robles Lana para sa Big Night; Best Director: Erik Matti para sa On The Job: The Missing 8; Best Actor: Christian Bables for Big Night; Best Actress: Charo Santos for Kun Maupay Man It Panahon; Best Film: “On The Job: The Missing 8”
Special awards—Joe Quirino Award: Mario Dumaual; Manny Pichel Award: Eric Ramos;
Rising Producers’ Circle: Rein Entertainment; Producer of the Year: Viva Films.
Isah V. Red Award: Gretchen Barretto, Kris Aquino, Alfred Vargas, Kapuso Foundation at Sagip Kapamilya.
Posthumous Award: Susan Roces at Cherie Gil
Beautéderm Male and Female Faces of the Night: Sean de Guzman at Alexa Miro.