MINAMARKAHAN ng taong ito ang ika-25 taon ng Puregold bilang isa sa nangunguna sa Philippine retail landscape. Para gunitain ang kaganapang ito, inilabas ng Puregold ang Nasa Iyo ang Panalo digital ad series sa iba’t ibang social media platforms nito, na nakalikom na ngayon ng 43.1 milyon online views.
Ang malinis at modernong pagkakalikha ng digital ads na ito ay ginamit para magpakita ng mga damdaming tapat sa pusong Filipino: ang kakayahan nating manaig sa harap ng samo’tsaring pagsubok ng buhay.
Tampok sa Nasa Iyo ang Panalo digital ad series sina Justin de Dios ng SB19, Francine Diaz, Luis Manzano, Jessy Mendiola,Queenay Mercado, at EJ Obiena. Binigyang buhay ng ads ang paghihirap na hinarap ng mga katauhang ito sa daan patungo sa kanya-kanyang tagumpay.
Maliban sa dami ng nanood ng bawat ad, malinaw na nagbigay ang mga ito ng inspirasyon para sa mga netizen na manonood dahil sa magagandang hugot mula sa mga nabanggit na kuwento. Marami sa mga tagahanga at sumusuporta sa mga tampok na katauhan ay naghayag ng kanilang pasasalamat at malugod na suporta para sa mga kuwentong tampok hindi lamang ang mga nasabing personalidad ngunit pati mga aral na magagamit sa pang araw-araw na buhay.
Isang YouTube use na si meowu ay nag-comment sa video ni Justin: “So proud of you, kuya Justin!! Sobrang laking impact ng ginawa mo talaga katulad ng pagpapatunay mo na may ibubuga ka pa. Sobrang namotivate mo ako na ipagpatuloy ang mga bagay na nakapagpapasaya sa’kin.”
Ani naman ni its nini sa video ni Francine, “So proud of you, Chin. You are truly an inspiration to the youth. Continue to inspire people. Thank you Puregold for choosing Francine. You chose the right one.”
Marami rin ang napukaw ang damdamin sa kung paano binigyan ng plataporma ng Puregold ang tagumpay ng mga pangkaraniwang Filipino. Pahayag ni Nelson Arcilla sa ad na nag-tatampok kay EJ, “Kasama mo ang Puregold sa pagkamit mo ng pangarap kaya fight lang.”
Naniniwala si Vincent Co, pangulo ng Puregold Price Club Inc, na mahalagang mabigyan ng sigla at pag-asa ang bawat Filipino sa pamamagitan ng mga Kwentong Panalo gaya ng ipinakita sa ad series.
“Mahirap makamit ang tagumpay kahit sa harap ng paghihirap at pagpupursige, ito ang natutunan natin matapos ang 25 taon sa business,” ani Vincent. “Mahalaga para sa amin na magsalaysay ng nakasisiglang mga kuwento ng mga matagumpay na Filipino. Sa pamamagitan nito, nais naming ipakita sa aming mga mamimili na sa harap ng hirap, may daan patungo sa tagumpay.”
Ang Nasa Iyo ang Panalo digital ad series ng Puregold ay maaaring mapanood sa mga opisyal na chanel ng Puregold sa YouTube, Facebook, at sa kanilang opisyal na TikTok @puregoldph.