Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Showbiz Caravan Cignal TV5

Kapatid Stars nagpasalamat sa tagumpay ng 3-Day Cignal Entertainment Showbiz Caravan sa Bulacan


IN-EXTEND ng mga Cignal Entertainment artists ang kanilang all-out gratitude para sa walang-sawang suporta ng Kapatid viewers sa matagumpay na showbiz caravan na ginanap noong Nobyembre 17 to 19 sa Starmall San Jose Del Monte, Bulacan. Hatid ng CignalPlay at Sulit TV, binigyang-halaga ng Cignal Entertainment Showbiz Caravan ang mga upcoming finale ng kanilang comedy programs na Oh My Korona at Kalye Kweens,movieseryeng Suntok Sa Buwan, at ang grand finals ng paboritong bidaoke kantawanan ng bayan na Sing Galing at Sing Galing Kids.

Ang pangmalakasang event na ito ay mas lalong nagningning dahil sa live performances nina Elijah Canlas, Paulo Angeles, at Awra Briguela ng Suntok sa BuwanAlma Moreno, Marissa Sanchez, at Giselle Sanchez ng Kalye KweensPooh, Queenay, at Jessie Salvador ng Oh My KoronaRandy Santiago, K Brosas, Mari Mar, Zendee, at Singtokers Gab at Daniel naman para sa Sing Galing.

Nag-enjoy din ang mga mallgoer sa Pasko-Oke Celebrity Bazaar na nakabili sila ng mga pre-loved items ng celebrities katulad ni K Brosas. Bahagi ng malilikom dito ay ibibigay sa mga bata ng National Children’s Hospital at kay baby Aaron na 7-year old patient na may Acute Lymphoblastic Leukemia. Bukod sa mga masasayang activities, nanalo rin ang guests ng mga papremyo mula sa Cignal at sa event presentor na Brilliant Skin Essentials.

Ang tagumpay ng showbiz caravan ang nagpapatunay sa matibay na suporta ng mga Kapatid viewers para sa Cignal Entertainment’s shows sa TV5. Huwag palampasin ang pinaka-inaabangang finale ng Oh My Korona sa November 26, ang grand finale ng Sing Galing, at Sing Galing Kids sa December 3 at 10, ang kapana-panabik na pagtatapos ng movieseryeng Suntok Sa Buwan sa December 8 at ang kobgklusyon ng bardagulan sa Kalye Kweenssa December 24.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …