MAGSASAMA sa isang bihirang pagkakataon, sa iisang TV screen ang dalawa sa pinakamatagumpay na kababaihan sa media industry.
Ang multi-awarded broadcast journalist na si Karen Davila ang susunod na panauhin ni Korina Sanchez sa kanyang pinakabagong palabas, ang Korina Interviews.
Ang dalawa ay kabilang sa mga pinagkakatiwalaang tagapaghatid-balita sa bansa. Nakilala ang dalawa dahil sa kanilang dedikasyon, pagsusumikap, at malawak na karanasan sa paghahatid ng serbisyo publiko.
Sa teaser ng Korina Interviews, makikita ang masayang kuwentuhan ng dalawa. Pero hindi pa rin nagpahuli ang dalawa sa kanilang ‘straight forward’ na mga pahayag at tanong.
Ani Karen, takot siya kay Korina noon samantalang tinanong naman ni Korina si Karen, “Bakit sa palagay mo, pinag- aaway tayo?”
Alamin ang sagot ni Karen ngayong Linggo, October 30, 5:00 p.m. sa NET25.