Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TV5, Cignal TV nanguna sa Philippine nominations ng 27th Asian TV Awards

MARAMING Kapatid programs at mga orihinal na istorya mula sa Cignal TV productions ang nakasama sa listahan ng Philippine finalists sa iba’t ibang kategorya sa 27th Asian Television Awards. Ang balitang ito ay kamakailan lamang inihayag ng prestihiyosong award-giving body na kinikilala at ginagantimpalaan ang mga mahuhusay na TV production sa Asia-Pacific region. Ang mga mananalo ay papangalanan sa dalawang araw na awarding ceremony na gaganapin sa Maynila sa Disyembre 1 at Singapore sa Disyembre 8.

Nangunguna sa listahan ng TV5 at Cignal TV nominees ang Cignal Entertainment offerings ng Sing Galing para sa Best General Entertainment ProgrammeSing Galing Sing-Lebrity Edition para sa Best Music Programme, at Lakwatsika para sa Best Theme Song.

Nakakuha rin si Aga Muhlach ng nominasyon bilang Best Actor in a Leading Role l para sa kanyang pagganap sa movieserye na Suntok Sa Buwan. Habang ang komedyanteng si K Brosas ay nominado sa Best Entertainment Presenter/Host bilang ‘Sing Master’ ng Sing Galing, kasama si Maine Mendoza para sa kanyang unang hosting stint sa travel show ng BuKo Channel na #MaineGoals.   

Kabilang sa iba pang kilalang nominasyon ang P-pop reality search na Top Class at ang host nitong si Catriona Gray at ang 2022 Station ID ng TV5 na Iba ang Saya ‘Pag Sama-Sama.

Narito ang buong listahan ng TV5 at Cignal TV nominations para sa 27th Asian TV Awards:

  • Best Original Digital Entertainment Programme – Top Class: The Rise to P-Pop Stardom 
  • Best Host/Presenter – Digital – Catriona Gray, Top Class: The Rise to P-Pop Stardom 
  • Best Entertainment Presenter/Host – K Brosas, Sing Galing; Maine Mendoza, #MaineGoals 
  • Best Actor in a Leading Role – Aga Muhlach, Suntok Sa Buwan 
  • Best Theme Song – Lakwatsika 
  • Best Comedy Programme – BalitaOneNan 
  • Best General Entertainment Programme – Sing Galing 
  • Best Music Programme – Sing Galing: SingLebrity Edition 
  • Best Infotainment Programme – Rated Korina 
  • Best Live Sports Coverage – UP vs Ateneo Finals Game 3, UAAP Season 84: Men’s Basketball 
  • Best Sports Programme – The Game 
  • Best Music Video – TV5, Iba ang Saya ‘Pag Sama-Sama
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …