Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cignal Entertainment Showbiz Caravan

Kapatid Happy Hallo-WIN
CIGNAL ENTERTAINMENT SHOWBIZ CARAVAN, AARANGKADA SA SABADO

ISANG masayang Hallo-WIN na puno ng treats mula sa mga Kapatid star ang magaganap sa unang pasada ng Cignal Entertainment Showbiz Caravan sa October 29, 2022, Sabado, sa Starmall EDSA Shaw.

Sa unang pagkakataon, matutunghayan sa iisang entablado ang mga bida ng original Cignal Entertainment offerings sa TV5 – ang Sing GalingSuntok Sa BuwanSing Galing KidsOh My Korona, at Kalye Kweens.  

Simula 1:00 p.m., magbubukas ang event center para sa iba’t ibang exciting games at activities, tampok ang Reelstars booth na on-the-spot makagagawa ng Reels ang mga mall goer for a chance na bumida sa isang Reelserye. 

By 2:00 p.m., simula na ang walang humpay na kantawanan, sayawan, chikahan, at maritesan with Kapatid stars Morissette, Rey Valera, Elijah Canlas, Paulo Angeles, Jairus Aquino, Pooh, Queenay, Zendee, Mari Mar Tua and more. Magpapakitang-gilas din sina Singtokers Ari G, Daniel, Yanyan, at Gab; at ang rising P-pop girl group na BLVCK ACE. Mangagamusta rin si Reelfriend Katkat Manimtim mula sa Reelverse. 

Maaari ring suwertehin ang mga manonood sa mga ipamimigay na goodies mula Cignal brands tulad ng CignalPlay.

Ito ang all-in-one mall show, fancon, at Halloween party na ‘di dapat palampasin ng mga Kapatid at Ka-Cignal!  Abangan din ang next stop ng Cignal Entertainment Showbiz Caravan sa Vista Mall Taguig sa November 19, 2022. 

Tuloy-tuloy naman ang saya at drama sa Cignal Entertainment shows. Mapapanood sa TV5 ang Sing Galing at Suntok Sa Buwan tuwing Lunes, Martes, at Huwebes mula 6:30 p.m., at ang Sing Galing KidsOh My Korona, at Kalye Kweens tuwing Sabado mula 6:00 p.m. Maaari ring balik-balikan ang mga episodes sa CignalPlay via desktop and mobile app. 

Sundan ang Cignal Entertainment on Facebook, Instagram, Twitter, YouTube, and TikTok for more updates! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …