Friday , November 15 2024
KathNiel La Luna Sangre LLS

KathNiel big winner sa Jeepney TV Fan Favorite Awards

SINA Kathryn Bernardo at Daniel Padilla pa rin ang ultimate fan favorites sa naganap na Jeepney TV Fan Favorite Awards noong Sabado (Oktubre 22) sa pagkapanalo nila bilang All-Time Favorite Love Team at pagsungkit sa Fave Lead Actress at Fave Lead Actor awards. 

Ang kanilang programa na La Luna Sangre naman ang nagwagi bilang Fave Fantaserye habang ang Got To Believe ang kinilalang Fave Teleserye para sa dekada 2012-2021.  Bahagi rin sila ng nanalong Fave Youth-Oriented Show na Growing Up. Nakuha rin ni Kathryn ang Fave Kapamilya Serye Iconic Line award para sa sumikat niyang linya mula sa Got To Believe na “sorry po!” Napanalunan din ng KathNiel ang Fave Love Triangle award kasama si Enrique Gil para sa teleseryeng Princess and I.

Ang orihinal na Mara Clara (1992) naman ang nagwaging Fave Teleserye para sa dekada 1992-1999 habang ang 2010 remake nito ang ibinoto ng fans bilang winner para sa dekada 2000-2011.

Samantala, ang Philippine adaptation ng Doctor Foster na The Broken Marriage Vow ang hinirang na Fave Foreign Drama Adaptation habang ang Pinoy Big Brother naman ang kinilala bilang Fave Game/Reality Show.

Nasungkit naman ni Dimples Romana ang Fave Kontrabida award sa tumatak niyang papel sa Kadenang Gintohabang ang FPJ’s Ang Probinsyano stars na sina Angel Aquino at John Arcilla ang pinangalanang Best Supporting Actress at Actor.

Ilan pa sa mga nagwagi sa nasabing gabi ng parangal sina Vice Ganda bilang Fave Talk Show host, Judy Ann Santos bilang Fave Game/Reality Show host, at Sarah Geronimo bilang Fave Musical/Variety Show host.

Iginawad naman kay Charo Santos ang Susan Roces Award: Fave Lifetime Achiever para sa kanyang malaking kontribusyon sa industriya habang ang longest-running drama anthology niyang MMK ang hinirang na Fave Drama Anthology/ Weekly Drama recognition.

Inialay naman ang Dolphy Award: Fave Male Comedian kay Babalu habang nagwagi si Maricel Sorianobilang Fave Female Comedian at si Vandolph bilang Fave Child Comedian.

Sa pagdiriwang ng ika-10 taon nito sa industriya, pinangunahan ng Jeepney TV ang JTV Fan Favorite Awards sa FacebookTiktok, at YouTube para magbigay parangal sa mga minahal na ABS-CBN programs na umere sa throwback cable channel at bigyang pagkilala rin ang paboritong Kapamilya stars ng fans. 

Nakaboto ang fans sa pamamagitan ng JoinNowJeepney TV Fans Facebook Group, at TikTok.

Sina Robi Domingo at Karla Estrada ang nagsilbing host ng gabi ng parangal. 

Nagkaroon naman ng special performance sina Alexa Ilacad at KD Estrada ng kantang Please Be Careful With My Heart, ang nagwaging Fave Teleserye Theme Song mula sa programang Be Careful With My Heart.

Abangan ang Jeepney TV Fan Favorite Awards: TV Special sa Oktubre 30 (Linggo), 9:00 p.m.  sa Jeepney TV, na napapanood  sa SKY Cable ch. 9, Cignal ch. 44, GSat ch. 55, at SatLite ch. 37.

About hataw tabloid

Check Also

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …