Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr Grocery Give Away

Hakot-grocery ni Sen. Bong pinauulit ng netizens

UMUUSOK ang social media accounts ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. dahil marami ang nagtatanong kung kailan mauulit ang napakasayang Relax Ka Lang, Grocery Mo Sagot Ko na may mga kalahok na nag-uwi ng malalaking papremyo.

Nagsimula ang pakulo nang magdiwang ng ika-56 kaarawan si Sen. Bong noong Setyembre 25 na ang paghakot ng grocery ay bahagi ng kanyang Alyas Pogi Birthday Giveaway.

Sa dami ng nagpadala ng mensahe sa Facebook account ni Sen. Bong, gamit ang  randomizer ang mga sinuwerte at napili ay nagmula sa Sta. Teresita, Batangas, Atimonan, Quezon, Calauan. Laguna, Novaliches, Quezon City, at Bacoor City. Lahat sila ay nag-uwi ng sangkatutak na grocery items.

Isinagawa sa Robinson Main Square, sa Brgy. Bayanan, Bacoor Blvd., Bacoor City ang Relax Ka Lang, Grocery Mo Sagot Ko na si Sen. Bong mismo ang tumayong host kasama ang kanyang maybahay na si Cavite Second District Rep. Lani Mercado-Revilla at ilang mga anak.

Binigyan ng pagkakataong humakot ang mga kalahok sa loob ng 3 minuto subalit hindi pa nakuntento ang senador kaya dinagdagan niya ng karagdagang minuto at may mga nakahakot ng P30,000 hanggang P100,000.

Bukod pa sa sangkatutak na groceries, binigyan pa ang lahat ng kalahok ng tig-P5,000 para sa kanilang pamasahe dahil sa may mga kalahok na nagmula pa sa malalayong lugar.

Dahil sa tagumpay ng naturang pakulo, inuulan na ng kahilingan ang social media account ni Sen. Bong kung kailan muling masusundan ang napakasayang Relax Ka Lang, Grocery Mo Sagot Ko. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …