INIHAYAG na ang natitirang apat sa walong entries sa 48th Metro Manila Film Festival.
Ang mga ito ay ang Deleter ng Viva Communication, horror movie na nagtatampok kay Nadine Lustre at idinirehe ni Mik Red; Family Matters ng Cineko, isang family drama na nagtatampok kina Noel Trinidad, Liza Lorena, Agot Isidro, Mylene Dizon, Nonie Buencamino, JC Santos, at Nikki Valdez, mula ito sa direksiyon ni Nuel Naval; Mamasapano: Now It Ca Be Told ng Borracho Film Production, isang action-drama movie na pinagbibidahan nina Edu Manzano, Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, Alan Paule, at Claudine Barretto, idinirehe ito ni Lester Dimaranan; at ang My Father, Myself ng 3:16 Media Network, isang drama movie na tampok sina Jake Cuenca, Dimples Romana, Sean de Guman, at Alan Paule. Mula ito sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Ang apat na naunang inihayag naman ay ang Labyu With An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta Maria; Patners In Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi; The Teacher nina Joey de Leon at Toni Gonzaga; at ang Nanahimik Ang Gabi nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo, at Mon Confiado.
Kasabay ng anunsiyo ang panawagan ni MMFF Concurrent Acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga III sa moviegoers na suportahan ang festival na naging bahagi na ng tradisyon ng mga Filipino taon-taon.
“Let us watch the MMFF in theaters once more. We are happy with the list of entries, which has a wide mix of genres. We are excitedand looking forward to MMFF 2022 becoming a success,” sambit pa ni Dimayuga.
Ang 48th MMFF ay magsisimula ng December 25, 2022 at magtatapos ng January 7, 2023. Ang Gabi ng Parangal naman ay magaganap sa December 27.