Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Geanne Cañete Leilaira

Bidang bata sa Leilara gustong maging Liza Soberano

NAKATUTUWA ang mga bagong tuklas na artista ng discover ni Liza Soberano, si Dudu Unay. Bagamat mga baguhan kakikitaan na sila ng galing na ipinamalas nila agad sa pelikulang Leilaira na pagbibidahan ni ng bagong child star na si Geanne Cañete.

Kasama si Geanne sa mga maraming talents ni Dudu na siya ring tumutulong sa showbiz career ng Kapuso hunk actor na si Royce Cabrera na napapanod ngayon sa  Start-Up PH. Isa siya sa mga engineer na kaibigan ni Jeric Gonzales.

Ayon kay Geanne inspirasyon niya sa showbiz si Liza kaya ginagalingan niya ang pag-arte at pagwo-workshop.

“Noong maliit ako, naging idol ko po si Liza Soberano. Siya ang nag-inspire sa akin na maging artista. Noong nakita ko siya sa TV, sabi ko, ‘Wow, gusto ko ring maging katulad niya.’ Gusto ko ring maging isang artista,” anang matalinong bata.

Nag-workshop si si Geanne para mas lalong mahasa pa ang acting talent gayundin ang singing, dancing sa Keys Music Studio Talent Center sa Tagum City, Davao del Norte na pinamamahalaan ni Ronnie Luma, assistant director ng Leilaira.

Ginagampanan ni Geanne ang isang batang  pulubi na inampon at napasok sa child labor.

Ang Leilaira ay isang advocacy film na idinirehe ng aktor na si Lester Llansang.

Sinabi ni Geanne na masayang-masaya siya na napasama sa pelikula at sinabing tulad niya si Leilara na mabait at matulungin. 

“At kung ano man ang kanyang special gift, ‘yun talaga po ang dahilan bakit espesyal siyang bata,” sambit pa ni Geanne.

Kasama rin sa pelikula ang kambal na sina Huessette Ruela at Zuessette Ruela, Mohaira Sanama, Christian Villadores, Prince George Gonzales, Bernadith Jimenez, Ramil Awi, Pica Mabitag, at Jero Lobena.

Nakatakdang ipalabas ang Leilaira sa Historical Theater sa Tagum sa October 22 subalit hindi namin matiyak kung matutuloy iyon dahil kahapon, pumanaw ang discover niyang si Dudu Unay. Ang aming pakikidalamhati sa mga naiwang pamilya ni Dudu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …