Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Floyd Mayweather AQ Prime 2

Floyd Mayweather walang balak mag-artista   

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

LINGID sa kaalaman ng iba ay tahimik na dumating dito sa Pilipinas ang world boxing icon na si Floyd Mayweather bilang bisita ng Frontrow na pinamumunuan ni RS Francisco at Sam Versoza

Si Floy na may nickname na Money ay tatlong taon nang endorser ng Frontrow at sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay ay pumayag na maging endorser din ng AQ Prime na mga sari-saring entertainment ang ibibigay sa taong magsu-subscribe sa kanilang app. 

Pumayag si Floyd sa AQ Prime dahil sa magandang advocacy nito. Hindi basta-basta tumatanggap ng endorser si Floyd at kailangan munang ipaliwanag sa kanya ang layunin ng isang organization at makumbinsi siya sa layunin nito.

Sa kuwento ng boxing icon, maituturing niya ang Pilipinas na second country niya after USA. Napakaganda raw ng Pilipinas at very warm at mababait ang mga Pinoy. 

Pinuri niya ng bonggang-bongga ang Okada Hotel kung saan siya nanunuluyan habang nandito sa Manila. Napakabait at maasikaso raw ang mga staff ng nasabing hotel. Nag-iisip siya na mamuhunan dito sa Pilipinas. Kung matuloy man tiyak na matutuwa ang Pangulong Bongbong Marcos dahil isa ito sa mga agenda niya na imbitahan ang mga foreigner na mag-invest sa Pilipinas.

Kung may panahon siyang makausap ang ating boxing legend na si Manny Pacquiao, gusto ni Floyd na magkasama silang magbukas ng isang training school para sa mga amateur boxers na marami ang tiyak na matutulungan. 

Kahit sikat na sikat si Floyd sa buong mundo, hindi pumasok sa isip niya na mag-artista o maging singer kahit maraming lumalapit sa kanya. Maligaya na raw siya sa natamo niyang karangalan at ok na siya rito. 

Hindi lang namin alam hanggang kailan si Floyd dito at mag-iikot pa siya sa iba’t ibang ilsla rito sa atin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …