MA at PA
ni Rommel Placente
NAGING matagumpay ang birthday show/dinner ng tinaguriang Queen of the Entertainment Bar na si Genesis Gallios titled Reign, na ginanap sa Manila Hall Centennial Hall noong Sabado ng gabi. Ito ay mula sa partnership ng Gergal Production at Ka Freshness ni Wilbert Tolentino.
Nagsimula ang show sa pamamagitan ng isang production number ni Mommy Gen sa tugtuging Vogue at This Is Me Remix, kasama ang GMale, Pink Manequins, at Pink Goddesses.
Hindi lang birthday dinner show ang naganap noong Linggo, kundi ipinakilala at ini-launch din ni Mommy Genesis ang bago niyang produksiyon na ikinukonsidera niya bilang bagong baby. Ito ay ang Gergall Productions.
Sabi ni Mommy Genesis tungkol dito, “Dapat next year ko pa siya balak i-launch on my golden year. But since my eagerness and willingness to pursue its launch this year is very strong and timely! Ito ‘yung matagal ko nang plano 20 years ago. Ito ‘yung pangarap ko noong panahong nagsisimula pa lang ako sa industriya. ito ang pinakahihintay kong panahon para ipakilala sa inyo ang Gergall Productions!”