Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marc Cubales

Actor/producer na si Marc Cubales iniangat kalidad ng bikini pageant

HINDI lang pagpoprodyus ng pelikula ang pinasok ng international model, producer, businessman, at aktor na si Marc Cubales. Sumabak na rin siya bilang producer ng  Cosmo Manila King & Queen 2022 (The Search for Risque Runway Models). Ito ay sa ilalim ng MC Production House na producer din ng pelikulang Finding Daddy Blake ni direk Jay Altarejos.

“Una sa lahat dahil balik naman na tayo sa normal, nauuso na uli ‘yung bikini and sexy pageant competition so, bilang producer gusto ko mauna na mag-produce at maunang magbalik ng bikini pageant sa mas magandang venue,” bungad ni Marc.

“At saka, higit sa lahat para makatulong at magbigay-saya na rin sa mga agent at models ng sexy pageant show,” dagdag pa niya.

Masaya rin si Marc na nakapagbibigay siya ng trabaho. 

“Masaya ‘yung feeling na nakakapagbigay ng work sa pamamagitan ng pagpo-produce. Maraming masisipag at kilala tayong mga kaibigan na when it comes to production sobrang gagaling. Honestly ramdam ko ‘yung dedication nila sa work. Deserve nila talaga na bumalik at magkaroon ulit ng opportunity na gumawa ng isang quality pageant like Cosmo Manila,” deklara  pa niya.

Sa totoo lang, iniangat ni Marc ang kalidad sa bikini sexy show dahil malaki ang premyo. Makatatanggap ang Grand winner ng P100,000 cash (male and female), ang First Runner-Up ay P40,000 cash, ang 2nd Runner-Up ay P30,000 cash, ang 3rd Runner-Up ay P20,000 cash, at ang 4th Runner-Up ay P15,000 cash.

Gaganapin ang finals ng  Cosmo Manila King & Queen 2022 sa  Le Reve, 26 Sgt Esguerra,  South Triangle Quezon City sa October  23, 2022, Sunday, 7:00 p.m..

Ang mga official  female candidates ay binubuo nina Jane Usison, Khat Gonzales, Claire Ramos, Sahara Cruz, Ver Johansson, Aya Valdez, Jannah Garcia, Milka Gonzales, Anita Gomez, Arianne Villareal, Jasmine Benigno Castro, Airah Graciela, Dimpol Ortega, Mae Burgos, Neah Cassandra Aguilar,Morena Carlos, at Deberly Bangcore.

Ang mga official male candidates naman ay  sina Hawkin Madrid, Paul Jiggs Venturero, David Soledad, Christian Villarin, Nash Mendoza, Aaron Moreno, John Zafe, Simon Abrenica, Dave Franco, Jovy Angel, Ivan Bonifacio, Ronnie Palermo, Yael Del Rosario, Ronniel Absalud, Vincent Caringal,  Allen Ong Molina, Kirby Labrusca, at Dom Corilla.

Para sa ibang detalye tumawag sa  09667088434 at 09602533903. Hanapin ang Supervising Producer—Edz Galindez; Production Manager—Leklek Tumalad; at ang Direktor—Bembem Espanto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …