Friday , November 15 2024
deped

Magturo puwede kahit walang turok
TEACHERS, SCHOOL PERSONNEL 92% BAKUNADO — DEPED

TINIYAK ng Department of Education (DepEd), 92% ng teaching at non-teaching personnel na sasabak sa face-to-face classes ngayong araw ng Lunes, 22 Agosto, ang kompleto na sa primary vaccine series laban sa Covid-19.

Gayonman, ipinahayag ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng DepEd, ipatutupad pa rin ang “No Discrimination Policy” sa mga eskuwelahan at papahintulutan ang mga guro at estudyante sa face-to-face classes kahit ano pa umano ang kaninlang vaccination status.

Sa datos ng Kagawaran, 92% ng mga teaching at non-teaching personnel ang fully vaccinated.

Bukod dito, kukuha rin ng datos ang DepEd kung ilan sa mga guro at school personnel ang nakatanggap ng booster doses.

Samantala, nauna nang inianunsiyo ni DepEd Usec. Atty. Revsee Edcobedo na maaaring makapagturo sa face-to-face classes ang mga gurong hindi bakunado. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …