BIBIGYANG pagkikilala ang mga personalidad sa larangan ng entertainment, tri-media & social media, politics, unsung heroes, at philanthropist ng Japan-based award-giving body na World Class Excellence Japan Award(WCEJA) sa Heritage Hotel, Pasay City sa June 15, 2022.
Dalawang taong hindi nakapagbigay-parangal ang WCEJA dahil sa Covid-19. Taon-taong ginagawa ang pagpaparangal sa mga achiever sa Japan at Pilipinas sa
pamumuno ng multi-awarded singer, composer, beauty queen, philanthropist at Founding Chairman ng WCEJA na si Emma Cordero. Kilala rin si Emcor, tawag ng marami sa kanya bilang Asia’s Princess of Songs.
Kabilang sa mga pararangalan ngayong taon ang balik-politikang bituin na si Quezon City Councilor Aiko Melendez,
Emilio Garcia, Diego Loyzaga, Jay Manalo, Dexter Doria, Lovely Rivero, Teresa Loyzaga, Joaquin Domagoso, award-winning director and producer Romm Burlat.
Kasama rin ang aktres at producer na ngayong si Liz Alindogan-Kho at Teresita
Pambuan, recording artist Lester Paul Recirdo, Patricia Javier, Marlan Manguba, Princess Ramos, Japanese Ai Ohtsuka, Dr. Riza Caldoza, Cyrene Bales, Maryflor Macawile, at Faye Tangonan.
Sa entertainment media bibigyang parangal sina Lhar Santiago ng GMA 7, Joey Sarmiento (Kuya Jay Machete) ng 91.5 Win Radio, Paula Ignacio (DJ Karen Yosa) ng 91.5 Win Radio, John Fontanilla (Janna Chu Chu), ex-PMPC President Roldan Castro, Morly Alinio ng DZXL, 2022 PMPC President Fernan de Guzman at iba pang media practioner tulad nina Nonie Nicasio, Anne Bendanillo, Edilberto “Obette” Serrano, Ynna Malaya-Chua, Victoria Cacnio, Juvy de Guzman, Virgilio Garcia, Rodel Fernando, Rafael Chico, Pete Ampoloquio, Jr., Jose Carlos, Jr., Gina Basco Regular(Kadumagat Vlog), Corazon de la Cruz (Chorz de la cruz channel), George Vail Kabristante, Chino Hansel Philyang, star builder Art N. Halili, Jr. and TV news anchor Angelique Lazo, ng Sentro Balita PTV4 at Rise and Shine Pilipinas.
Kabilang din ang mga kilalang pangalan sa patimplak ng kagandahan at award-giving body na sina Ovette Ricalde, Lynie Bereo, at Richard Hinola.
Higit na inaasahang magiging matagumpay ang gabi ng parangal dahil iba’t ibang special awards din ang ipagkakaloob, pagdalo ng mga benepisyaryo ng WCEJA at pagkilala sa ilang yumaong personalidad sa politika at pelikula.
Kabilang sa pagkakalooban ng posthumous awards ang pamilya ng mga nasirang Queen the Philippine movie, Ms. Susan Roces; singer and novelty King Mar Lopez of the Big Three Sullivans; comedienne and vlogger Mahal; at dating Senate president Senator Aquilino” Nene” Pimentel.
Tatanggap din ng parangal ang pilantropong doctor ng Hospital On Wheels na si Juan Sanchez, Jr., Dr. Ronnie Royo, Dr. Jovylyn Espalabra, at Bulacan Reprentative Rida Robes at San Jose Bulacan Mayor Arthur Robes. Nasa hanay nila ang recording star and now Bgy Chairman of Santa Margarita, Eastern Samar, Florentino Macawile at DILG Undersecretary Bgy. Affairs Martin Dino.
Sa business sector naman ay pararangalan sina Jojo Bragais, designer-photographer Beverly Kho and Eden Manabat, ang mta talent na sina Jhassy Busran, Sahararei”Bamboo” Bobadilla, Jovani Manansala, John Gabriel, Rhed Bustamante, Vence Evans, at Ghetto NB.
Guest of honor at Lifetime Achievement awardee naman si PAO Chief Atty. Persida Acosta.
May mga Japanese national ding lumipad pa ng Pilipinas para tumanggap ng award. Ito ay sina philantrophist Hironori Koga at Yoshiharo Nakano.
Pagkatapos ng okasyon, pupunta si Emma sa kanyang bayan sa Samar para maghandog ng tulong at libreng pa-concert para sa kanyang kaarawan sa June 20. Babalik si Emcor ng Japan sa June 23 at ipagkakaloob sa mga nagwagi sa Emma Cordero Official Youtube Channel ang kanyang pa- birthday give away sa June 29 at 30. At sa Oktubre 28 ay gaganapin naman ang 8th World Class Excellence Japan Award sa Hakata New Otani Hotel sa Fukuoka, Japan.