Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na si Lee Jung-jae. Si Lee ang isa sa bida ng Korean series na Squid Game.

Ang picture nila ay kuha sa naganap na Cannes Film Festival.

Caption ni Sylvia, “It was nice meeting you, Mr. Lee Jung-jae.”

Si Jung-jae ay isa sa mga nominado sa nakaraang Golden Globes para sa natatangi niyang performance sa Squid Game bilang si Seung Gi-hun. Ang Korean series na napanood sa Netflix ay itinuturing na “one of the most successful series” sa nasabing streaming site noong 2021. Nakatakda nang ipalabas ang second season nito very soon.

Sa isang video naman na ipinost ni Sylvia ay pinuri nito si Film Development Council of the Philippines (FDCP) chair, Liza Dino.

“Nakakaproud ka nak @lizadino. Hindi biro ang ginagawa mo as FDCP Chairman dito sa Cannes Festival. Na-witness ko lahat ngayong araw na ito kung paano mo inaangat, pinagmamalaki ang Pelikulang Pilipino, ang industriya natin,” ani Sylvia.

“Napaka-hands on mo, buong-buo ang puso mo, hindi matawaran ninuman ang passion mo at pagmamahal mo sa industriya natin.

“How i wish makita lahat ng mga taga industriya ang ginagawa mo. Ibang klase ka nak, saludo ako sayo! Ngayon mas naiintindihan kita. Tama ka!!

“Kailangan nating sumugal para  makilala at tangkilikin ang ating mga  pelikula sa global market.

“Pasensiya na nak, sa kaka observe ko sayo ito lang ang navideo ko hahaha.

“Much respect sayo FDCP Chairman @lizadino. I’m so proud of you!!! #cannesfestival2022,” sabi pa ni Sylvia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …