Sunday , December 22 2024
Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal na Idol judges na sina Asia’s Songbird Regine Velsquez-Alcasid at Philippines’ at Philippines’ Most Streamed Female artist na si Moira dela Torre

Makakasama ng dalawa sa bagong season ang Frontman ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda at Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Pinalitan nina Gary at Chito sina Vice Ganda at James Reid na mga hurado noong season 1.

Sa kanyang Instagram post, naunang sinabi ni Chito na kabilang siya sa apat na hurado ng Idol Philippines. Noon pa pala siya inalok ng ABS-CBN para maging isa sa Idol judge pero tinanggihan niya iyon. 

“I don’t judge…pero ngayon, ok lang.

“Nung season 1, they already asked me na maging judge for @idolphilippines but I declined because I didn’t think it would be fair for me to judge in a singing contest, knowing na di naman ako magaling kumanta.

“Pero ngayon, I finally agreed to go on the show kasi they explained to me, extensively, that even though it is still primarily a singing contest, hindi lang ito sa boses magkakatalo,” caption ng OPM icon sa ipinost niyang litrato sa IG.

Si Robi Domingo naman ang napiling mag-host sa singing competition.

Abangan ang iba pang malalaking sopresa ng programa at ang muling pagbida ng talento ng Filipino sa pagkanta.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …