NAGLABAS ng Memorandum Circular ang NTC noong 25 Abril 2022 na inaatasang ang lahat ng Telcos at ISPs upang suspendihen ang lahat ng pangunahing network repairs at maintenance works mula 04-14 Mayo 2022. Ito ay upang matiyak ang non-interruption of telecommunication services at ang patuloy na connectivity of election related communications ngayong panahon.
Gayonman, ang emergency repairs ay pinahihintulutan basta iniimpormahan ang NTC.
Ang mga concerned entities ay kinakailangang agad impormahan ang NTC sa mga detalye ng emergency repair. Telcos at ISPs maintenance personnel (kabilang ang subcontractors) ay kinakailangang magsuot ng company ID, uniform at company marked vehicles sa lahat ng pagkakataon.
Ang NTC ay magbibgay ng atas sa Comelec, AFP, at PNP para mapigilan ang ‘unscrupulous persons’ na gumawa ng telecommunication services.
Humiling din ang NTC sa DPWH na suspendehin ang mga ginagawang paghuhukay na maaaring maging sanhi ng fiber cuts mula 4-14 Mayo 2022. Ang NTC ay nakatanggap ng sulat mula sa Globe Telecom kaugnay sa posibilidad na fiber cuts na maaaring maidulot ng mga paghuhukay.