Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tsinaptsap na katawan ng lalaki natagpuan sa Montalban

Inatadong lalaki sa Montalban kinilala ng misis

DIREKTANG kinilala ng asawang si Nerissa Rosales, 34 anyos, na mister niya ang may-ari ng putol-putol na katawan at ulo na natagpuan noong 17 Marso ng umaga sa Zigzag Road, Don Mariano Ave., Rodriguez (Montalban), Rizal.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng Rodriguez MPS, kinilala ni Nerissa ang biktimang mister na si Ramil Jugar, 38 anyos, nakatira sa Apartment B, Aguinaldo St., Brgy., Muzon, Taytay, Rizal.

Ani Pipo, nagsasagawa pa sila ng malalimang imbestigasyon para matukoy at mahuli ang mga suspek sa brutal na pagpatay sa biktima.

Dagdag ng opisyal, maaaring matindi ang galit ng mga suspek sa karumal-dumal na krimen.

Matatandaang natagpuan ang hiwa-hiwalay na katawan ng biktima na nakalagay sa itim na garbage bag sa nabanggit na bayan noong nakaraang Huwebes. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …