Saturday , November 16 2024
arrest, posas, fingerprints

519 arestado sa gun ban

NAKAPAGTALA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 519 naarestong indibiduwal sa paglabag sa election gun ban hanggang 28 Pebrero 2022.

Kabilang rito ang 349 nahuli sa police patrol response; 128 sa oplan sita/bakal, galugad/buy-bust operations; 38 sa checkpoints; tatlo sa pagpapatupad ng search warrant, at isa sa pagsisilbi ng warrant of arrest.

Base sa rekord sa ilalim ng pamumuno ni NCRPO chief, P/MGen. Vicente Danao, Jr., sa nakalipas na 52 araw pagpapairal ng Comelec election gun ban, nakapagsagawa ng 12,059 PNP, PNP-AFP, Comelec checkpoints sa Metro Manila at 441 iba pang operasyon.

Nakasamsam ang NCRPO ng 245 baril kabilang ang 189 short firearms; apat long firearms at 52 sumpak, replica, paltik, at iba pa.

Nakakompiska din ng 282 bladed/pointed weapons, 13 explosive/IED, isang granada at 2,463 assorted na bala.

Samantala, walang naitalang election related incident habang nasa 12,860 ‘di bakunado ang binalaan.

Tatagal ang election gun ban hanggang sa 8 Hunyo ng taong kasalukuyan. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …