Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benz Sangalang

Benz Sangalang, payag sa frontal nudity kapag matinong pelikula

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG newbie actor na si Benz Sangalang ay ganap nang Viva contract artist. Pumirma siya rito ng 10 pictures-5 years contarct at sa ngayon ay naghihintay ng sisimulang proyekto para sa Vivamax.

Si Benz ay may taas na 5’10” at napanood sa mga pelikulang Men in Uniform ni direk Neal Tan at Rainbow Sunset ni Direk Joel Lamangan. Siya ay talent ni Jojo Veloso.

Payag ba siyang sumabak sa BL serye o pelikula?

Aniya, “Sa Ngayon ayaw ko pa. Mas gusto ko sana hangga’t maaari ay sa babae lang ma-partner. Pero may possiblity naman po, depende po sa project.”

Gaano siya ka-game magpa-sexy sa pelikula? ”Okay lang po na mag-nude, basta kailangan sa istorya,” matipid na tugon ng hunk actor.

Kaya ba niyang mag-frontal nudity?

“Hindi pa po siguro ngayon, pero kung talagang maganda iyong project at makakatulong talaga nang malaki sa karera ko, mapag-iisipan naman iyon, hehehe.”

“Pero hangga’t maaari ay ayaw ko pong mag-frontal,” pahabol pa niya.

Pero kung matinong project at pang-award at magaling ang director, papayag ba siya? “Depende po talaga, pero iyon nga, kung tatatak talaga ang movie like Scorpion Nights, why not?” nakangiting saad pa ni Benz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …