Saturday , December 21 2024

Rapper na may showdown binoga sa Alabang Mall

PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang rapper ng tatlong hindi kilalang armadong lalaki sa harapan ng isang mall sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din dahil sa ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Jumer Galicia, alyas OG Kaybee, nasa hustong gulang, miyembro ng 187 MOB.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek na tumakas .

Sa inisyal na imbestigayon ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente dakong 10:00 pm kamakalawa sa harapan ng isang mall sa Barangay Alabang.

Magkasama ang biktima at si Benson Malubay, isa ring rapper na kilala sa tawag na Abbadon, nang biglang sumulpot ang isang kulay puting van, lulan ang tatlong suspek na pawang nakasuot ng puting t-shirt at maong pants.

Pinagbabaril ng isa sa mga suspek ang biktima, na agad nitong ikinamatay.

Hinala ang pulisya na kalabang rappers ang mga suspek.

Nabatid na may showdown ang iba’t ibang grupo ng rappers at ang pagtutunggali ay idinaraan sa kanta.

Iniimbestigahan ng pulisya ang motibo ng pamamaril at nagsasagawa na rin ng follow-up operation para sa ikadarakip ng mga suspek. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …