Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Oil Price Hike

Presyo ng petrolyo muling magtataas

NAG- ABISO ang mga lokal na kompanya ng produktong petrolyo para sa dagdag na presyong ipatutupad ngayong araw ng Martes, ang ika-8 sa sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng langis simula nitong Enero 2022.

Ayon sa Petron Corp., Pilipinas Shell, at Seaoil Philippines, magtataas sila ng kanilang presyo ng P0.80 kada litro ng gasolina,

P0.65 sa diesel, at P0.45 sa kerosene, dakong 6:00 am kaninang umaga.

Unang nag-anunsiyo ang Chevron Philippines ng parehong halaga ng dagdag presyo na ipatutupad pagtuntong ng 12:01 am ngayong Martes.

Parehas ang halaga ng itataas sa pump prices ng diesel at gasoline products ng PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Total Philippines, Unioil Philippines at Petro Gazz, dakong 6:00 am, Martes, habang 4:01 pm, ng parehong araw, iiral ang dagdag presyo ng kompanyang Clean Fuel. (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …