UMABOT sa 406 ang mga naaresto dahil sa paglabag sa gun ban, ayon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO).
Kinompirma ng NCRPO, umabot sa 406 individuals ang nahuli habang 183 firearms ang nasamsam sa buong dahil sa paglabag sa gun ban.
Ayon kay NCRPO chief Director P/MGen. Vicente Danao, Jr., sa loob ng 42 araw mula 9 Enero hanggang 19 Pebrero 2022 nang ipatupad ang gun ban, 338 pasaway ang nadakip, sa isinagawang police operations.
Sa kabuuan 150 firearms, 33 improvised weapons, 226 bladed weapons, 13 explosives/IED, at 2,269 ammunitions ang nakompiska mula sa 8,550 checkpoints sa rehiyon.
Nakapagtala ang Southern Police District (SPD) ng 124 naaresto; sinundan ng Northern Police District (NPD), 95; Manila Police District (MPD), 87; Eastern Police District (EPD), 51; at Quezon City Police District (QCPD), 49.
Ayon sa opisyal, habang mahigpit na ipinapatupad ang election gun ban, nakatutok pa rin ang mga pulis sa pagpapaigting ng mga operasyon laban sa krimen sa National Capital Region (NCR) upang tiyakin na ligtas at protektado ang mga kababayan. (GINA GARCIA)