ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ng newbie actor na si Alfred Montero.
Ang kanyang fifth project ay pinamagatang Bakas ng Yamashita na hatid ng White Eagle Films Productons. Ito ay isinulat ni Bill Velasco at pamamahalaan ni Direk Dani Ugali.
Sina Alfred at Ahron Villena ang tampok sa pelikulang ito.
Sa ginanap na story conference nito, nabanggit sa amin ni Alfred ang mga nauna niyang proyekto.
Saad niya, “Pang-lima ko na po itong movie. Iyong una ko po ay lead role ako, iyong Nagalit ang Patay sa Tagal ng Lamay, The Resbak, directed by Zaldy Munda. Iyong pangalawa ay isang short film, action movie siya, titled Takas ni Direk Kaka Balagtas.
“Tapos iyong pangatlo, Security Academy na mula kay Direk Zaldy Munda rin. Then yung sa Viva po, kay Direk Daniel Palacio, iyong Kaliwaan. Tapos eto na pong Bakas ni Yamashita ang pang-lima.”
Masasabi ba niyang ito ang kanyang biggest break so far?
Tugon ni Alfred, “Masasabi ko pong parang eto pong movie iyon, pati sa takbo ng kuwento, maganda po siya at mas in siya sa masa.”
Ano ang role niya sa pelikulang ito?
“Ang role ko po sa movie, ako si Tom Vince Cruz, pinsan ni Sir Ahron Villena. Isa po akong professor ng history at ako po iyong may mga ebidensiya at impormasyon patungkol kung saaan dumaan yung mga treasure ni Yamashita, kaya makakasama po ako ng pinsan kong si Rick Bravo (Ahron) sa buong adventure po namin, sa paghahanap po ng mga gold,” esplika pa n Alfred.
Tampok din sa pelikulang Bakas ni Yamashita sina Dexter Doria, Lou Veloso, Archi Adamos, Angie Montero, Simon Ibarra, Toni Co, Joshua de Guzman, Christa Jocson, at iba pa.