Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

13 taon nagtago
PUGANTE NG MARIKINA NASABAT SA PANGASINAN

NASAKOTE sa bayan ng Sison, lalawigan ng Pangasinan ang isang murder suspect sa Marikina na nagtago ng 13 taon sa mga awtoridad, nitong Sabado ng gabi, 12 Pebrero.

Sa ulat, kinilala ni P/Col. Benliner Capili, hepe ng Marikina CPS, ang nadakip na suspek na si Leo Bassi, 51 anyos, may asawa, residente sa Brgy. Alibing, sa nabanggit na bayan.

Sinalakay ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit at Intelligence ng Marikina PNP at Sison Municipal Station sa kanyang tahanan ang suspek kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, kasama sa operasyon si P/Maj. Federico Halog, Jr., hepe ng Sison MPS nina P/Lt. Michael Danao at P/Lt. Michael Mase ng Warrant and Subpoena Unit, Follow up and Detective Unit upang ihain ang warrant of arrest laban sa suspek na inisyu ni Presiding Judge Alice Gutierrez ng Marikina City Regional Trial Court Branch 263 na may petsang 29 Abril 2009.

Nabatid na kinahaharap ng suspek ang kasong murder at dalawang bilang ng kasong frustrated murder mula 2009 at nagtago ng 13 taon sa batas. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …