Wednesday , December 25 2024

Tatlong sikat na tserman, hari sa Plaza Miranda

YANIG
ni Bong Ramos

TATLONG sikat at matitikas na mga tserman ng barangay ang sinabing namamayagpag at naghahari umano a buong Plaza Miranda kasama ang lahat ng mga nasasakupang kalye.

Tatlong haring gago este mago kung tawagin ng mga vendor ang mga nasabing barangay chairman dahil sa matatalas at matatalim na mga kuko — parang double-blade raw.

Bukod sa mga katangiang ito, super-smart pa raw partikular sa ‘koleksiyon’ at ‘tara’ ng mga vendor na nakapuwesto sa nasabing lugar.

Pinangalanan ng mga vendor ang chairman na sina Chairman Yes, Chairman Tez (as in Marites, Mare ano ang latest?) at si Chairman Bunny, na siya umanong lumalabas na hepe at team leader ng tres kumita este, comite pala.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay walang ibang maririnig na pinag-uusapan umano ang ‘tres comite’ kundi kung paano pipigain ang koleksiyon at tarang makukuha sa vendors.

May sariling kubol o himpilan ang tatlo, kung saan sila nilalapitan ng kung sino-sinong tao hinggil sa iba’t ibang klase ng transaksiyon.

Wow! Hindi lang pala ‘vendors’ ang tinatransaksiyon diyan.

Ang kanilang himpilan at kubol, ayon sa mga vendor ay matatagpuan sa kanto ng Carriedo at Rizal Avenue. Hindi lang natin alam kung sila rin ang tserman sa mga lugar na ‘yan.

Paging Department of the Interior and Local Government (DILG).

May sarili rin daw silang mga patakarang ipinatutupad at wala rin pakialam sa mga alituntuning ipinapasunod ng mga pulis na nakatalaga sa Plaza Miranda detachment.

‘Di hamak na mas malupit daw ang mga nasabing chairman kaysa mga pulis dahil lumalabas na may kakampi silang mga tauhan ng Department of Public Safety (DPS) na humahakot at nagkokompiska sa kalakal ng mga vendor sakaling hindi nakatupad sa kanilang pinag-usapan.

Ayon sa mga vendor, naglalaro umano sa P100-P300 ang hinihinging tara egun sa kalakal at espasyong kakainin ng kanilang puwesto.

Sabi ni Chairman Bunny, malaking kalokohan daw ang akusasyong ito ng mga vendor dahil bukod tanging ang ‘Hawkers’ lang ang nagongolekta ng P20 araw-araw na may kalakip pang resibo.

Idinagdag ni Chairman Bunny, kaya sila nakatambay sa kanilang tambayan ay para bantayan at disiplinahin ang mga vendor kung sakaling lalagpas na sa kanilang limitasyon.

Ang pahayag na ito ay mabigat na pinabulaanan ng mga vendor na nagsabing hindi tatambay ng buong araw at gabi ‘yan mga ‘yan kung wala rin silang mapapala, ano sila hilo?

(Tanong lang po: iyon ba ang trabaho ng tatlong tserman na ‘yan? Tumambay maghapon? Again, paging DILG!)

Mantakin ninyong may kanya-kanyang barangay sila upang pagsilbihan at pagtuunan ng panahon e bakit uubusin nila ang kanilang panahon sa Plaza Miranda?

Ayon sa mga vendor, lalabas daw na lumaki kayo sa andador o dili kaya ay ipinanganak kanina o kahapon kapag kausap ang tatlong tserman. Bukong-buko na, humihirit pa. He he he…

Praktikalidad lang daw at kaunting sentido-kumon para isakripisyo ang kanilang araw nang walang katuturan. “Tell it to the marines!” Dagdag ng mga vendor.

Sila rin daw ang pinagmumulan ng mainit na argumento hanggang humantong sa murahan at minsan nga raw ay umabot pa sa batuhan. Tsk tsk tsk

Sakal na sakal na raw sila (ang mga vendor) sa kalakaran ng tatlong tserman. Sila na lang halos ang lumalabas na ipinaghahanapbuhay nila.

Wala lang silang magawa dahil super-lakas daw itong si Chairman Bunny kay Yorme. Ewan lang din daw nila kung alam ni Yorme ang ginagawa ng tatlong tambay ng Plaza Miranda, este tatlong tserman.

Imbes itaguyod nila nang buong-buo ang kandidatura ni Yorme sa pagka Pangulo ng bansa, sila umano ay nagdadalawang isip dahil sa ginagawang kabulukan ng mga tao niya partikular ang tatlong tserman.

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …