Saturday , November 16 2024
Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar

Las Piñas City LGU pasado sa SGFH ng DILG

INIANUNSIYO nitong Huwebes, 20 Enero 2022, ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar ang pagpasa ng lungsod sa 2021 Seal of Good Financial Housekeeping (SGFH) ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni Mayor Aguilar, kinilala ng DILG ang mga naging hakbang ng Las Piñas LGU sa pagpapanatili ng magagandang gawain sa fiscal accountability at transparency sa lokal na pamahalaan.

Base sa rekomendasyon ng DILG – Bureau of Local Government Supervision (DILG-BLGS), ang Las Piñas City ay kabilang sa tatlong lungsod na kinilala bilang DILG 2021 Good Financial Housekeeping Passers. Ang dalawang siyudad na kasama ng Las Piñas ay ang Makati at Muntinlupa.

Inihayag ng alkalde, ang naturang pagkilala ay sertipikado at aprobado ng ahensiya sa National Capital Region (NCR) na may petsang 5 Nobyembre 2021.

Ayon kay Maria Lourdes Agustin, DILG Regional Director, ang criteria ay ibinatay sa katatapos na available COA Audit Opinion at compliance with full disclosure policy.

Lubos na nagpapasalamat si Mayor Aguilar sa ibinigay na pagkilala sa Las Piñas city government at nangakong ang kanyang administrasyon ay patuloy sa magbibigay ng magandang pamamahala at mas maayos na mga serbisyo para sa mga Las Piñeros. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …