Saturday , November 16 2024
nbp bilibid

3 prison guards, 1 pa sugatan vs puganteng preso ng NBP

APAT katao ang sugatan kabilang ang tatlong prison guard ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos tumakas ang tatlong preso sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kahapon ng madaling araw.

Sanhi ng mga tama ng bala sa katawan mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril, ginagamot sa Ospital ng Muntinlupa ang mga biktimang sina CSO1 Angelito Marquez, 57 anyos, CO1 Mark Joseph Pesons, 29; CO1 Jancy Dagones, 26, at ang presong living out na si Michael Dullavin, ng Minimum Security Compound.

Naglunsad ng hot pursuit ang BuCor at pulisya laban sa mga tumakas na preso na kinilalang sina Pacifico Adlawan, convicted sa mga kasong Frustrated Homicide at paglabag sa Section 15, Article II, R.A. 9165; Arwin Bio, nahatulan sa kasong Murder at Attempted Murder, at Drakilou Falcon, may kasong Robbery with Homicide, pawang nakakulong sa Dorm A.

Ayon sa ulat na isinumite ng Muntinlupa City Police sa tanggapan ni P/BGen. Jimili Macaraeg, director ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente 1:00 am kahapon sa Maximum Security Compound ng NBP malapit sa Gate 4 ng naturang bilangguan.

Napag-alamang nilagare ng tatlong preso ang rehas na kanilang pinagkakakulungan dahilan upang makatakas at ngunit agad napag-alaman ng mga nakatalagang prison guard.

Nang tinutugis ng mga prison guard ang mga pumugang preso dito umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril.

Hanggang tamaan ang mga biktima, hinihinalang may baril din ang mga puganteng preso na nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …