INIANUNSIYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), isasara sa trapiko ang southbound portion ng Roxas Boulevard simula 6:00 am, bukas, araw ng Sabado, 15 Enero 2022, upang bigyang-daan ang pagkukumpuni sa nasirang box culvert ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa harapan ng Libertad Pumping Station sa Pasay City.
Ayon kay MMDA Chairman Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., dapat agad isagawa ang rehabilitasyon ng DPWH sa southbound lane ng Roxas Boulevard, sa harapan ng HK Sun Plaza sa Pasay City patungong flyover ng EDSA – Roxas Boulevard.
“According to DPWH, because of the structural integrity of their project, the structure might weaken,” ani Abalos.
“The agency have laid down alternate routes for affected motorists. Likewise, directional traffic signs will also be placed at strategic locations to better guide the public,” pahayag ng MMDA Chairman.
Tiniyak ni Engr. Neomie Recio, Director ng MMDA Traffic Engineering Center, magtatalaga ang ahensiya ng enforcers para magmando ng trapiko sa lugar.
“Once closed, we will deploy additional traffic enforcers for the entire duration of the rehabilitation. We will also implement a zipper lane or counterflow scheme for light vehicles, but on a case-to-case basis,” paliwanag ni Recio.
Ayon kay Mikunug Macud, District Engineer ng DPWH South Manila District Engineering Office, ang closure at repair works ay magtatagal sa loob ng 60 araw.
Gayonman, nanawagan si Abalos ng pang-unawa sa publiko sa pansamantalang pagsasara ng Roxas Boulevard southbound dahil kailangan ito para sa kaligtasan.
“We are appealing for the public’s understanding as to the inconvenience the temporary road closure would cause. But this is necessary to ensure the safety of motorists and pedestrians,” diin ni Abalos.
Sa kasalukuyan nasa 887 cargo trucks at 1,029 trailers kada araw ang dumaraan sa Roxas Boulevard southbound direction.
Nagtakda ang MMDA ng mga alternatibong ruta para sa mga motorista.
Para sa light vehicles, magmula sa Bonifacio Drive/Roxas Boulevard, dumaan sa Roxas Blvd. – Buendia Ave., Service Road, kumanan sa Buendia Avenue Extension bago kumaliwa sa Diosdado Macapagal Boulevard papunta sa destinasyon.
Ang mga manggagaling sa Bonifacio Drive/Roxas Boulevard ay maaaring kumanan sa HK Sun Plaza access road bago kumaliwa sa Diosdado Macapagal Boulevard patungong destinasyon.
Habang ang mga galing sa Bonifacio Drive/Roxas Boulevard ay puwede rin kumaliwa sa Pres. Quirino Avenue patungo sa kanilang destinasyon.
Ang mga trucks/trailers at iba pang sasakyan mula sa Bonifacio Drive papuntang Roxas Boulevard southbound ay:
Lahat ng heavy vehicles /trucks /trailers, kumaliwa sa P. Burgos Avenue, deretso hanggang Finance Road at Ayala Boulevard, bago kumanan sa San Marcelino Street, dumaan sa P. Quirino Avenue hanggang South Luzon Expressway papunta sa kanilang destinasyon. (Gina Garcia)