Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMDA, NCR, Metro Manila

Alert Level 4 paghandaan — MMDA

KAILANGAN maging handa sa ang posibili­dad na magtaas sa Alert Level 4 ang Metro Manila sa susunod na mga araw, ayon sa Metro­politan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay Atty. Crisanto Saruca, head ng Metro Manila Council Secretariat, kahapon, posibleng maglabas ng resolusyon kaugnay sa pagsasailalim sa  Alert Level 4.

“…magkakaroon po ng desisyon diyan in the next coming days po,” ani Atty. Saruca sa tanong ng DZBB kung dapat itong asahan sa susunod na linggo.

Siniguro ni Atty. Saruca, patuloy na pinag-uusapan sa pagitan ng Metro mayors at Inter-Agency Task Force (IATF) ang usapin at ipinauubaya na rin ang pagde­de­sisyon.

Pinagbabatayan sa ttinatalakay na hindi malala ang mga kasong naitatala kahit napa­kataas ng mga kaso dahil mahigit 100 porsi­yen­to naman ang baku­nado na sa Metro Manila.

Aniya, patuloy ang pagsasagawa ng enhanced vaccination mandate  at agresibo sa primary vaccine at booster shots.

Napag-usapan rin na may iba’t ibang vaccines din na available, ang global experience na patuloy na nagiging epektibo laban sa CoVid-19 variants maging sa Omicron na mas nakahahawa, kaya hindi nagiging malala ang infections at naiiwa­san ang pagpapa­ospital.

Aniya, may kani-kaniyang ordinansa ang local government units (LGUs) alinsunod sa inilabas nitong nakalipas na 3 Enero sa MMDA  Resolution No. 22-01 Series of 2022 ”Urging the Metro Manila Local Government Units To Enact Their Respective Ordinances On The Enhanced Restrictions Of The Unvaccinated Individuals to Regulate Their Mobility In The National Capital Region.”

 (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …