Friday , November 15 2024

Piloto positibo
BIYAHE NI GORDON SA CEBU NAUDLOT

NAUDLOT ang biyahe ni Senator Richard Gordon patungong Cebu kahapon ng umaga nang magpositibo ang piloto ng private plane na kanyang sasakyan patungo sa tatlong lalawigan.

Ayon sa staff ni Gordon, nakatakda ang flight ng senador, dakong 7:00 am sa Delta hangar sa NAIA sakay ng private plane para mamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong Odette.

Kabilang sa mga pupuntahan ng Senador ang Mandaue City at Talisay City, para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo kasunod ang mga lalawigan ng Bohol at Siargao.

Agad kumuha ng panibagong private plane ang staff ng Senador para matuloy ang biyahe kahapon.

Ang biyahe ni Gordon ay bahagi umano ng Humanitarian response ng Philippine Red Cross para sa mga pamilyang lubhang nasalanta ng bagyong Odette. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …