NAKAPAGTALA ang Parañaque city government ng 108 bagong kaso ng CoVid-19 sa lungsod.
Sa kabuuan umakyat sa 366 ang aktibong kaso sa lungsod, kasunod ito ng isinagawang CoVid-19 testing sa mga residente ng lungsod na nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus.
Sa kasalukuyan, umabot sa 38,286 ang kompirmadong kaso ng CoVid-19 sa lungsod habang 37,168 (97.08%) ang naka-recover sa naturang sakit.
Ang mga aktibong kaso ay naitala mula sa Barangay Baclaran – 40; Don Galo – 3; La Huerta – San Dionisio – 11; San Isidro – 43; Sto Niño – 23; Tambo – 15;
Vitalez – 3; BF Homes – 40; Don Bosco – 26;
Marcelo Green – 25; Merville – 32; Moonwalk – 23; San Antonio – 27; San Martin De Porres – 24; at Sun Valley -24.
Muling pinaaalalahanan ng Parañaque local government unit (LGU) ang mga mamamayan na sundin ang payo ng pamahalaan at manatili sa kani-kanilang tahanan kung walang importanteng gagawin sa labas at sundin ang mga guidelines na ipinapatupad ng ating pamahalaan. (GINA GARCIA)