Wednesday , December 25 2024

Farewell 2021, welcome 2022…

YANIG
ni Bong Ramos

ANOTHER year is almost over and a new one is about to begin. Let’s bid farewell to the previous year 2021 and welcome year 2022 with joy and gladness.

Despite the fact the year 2021 is full of burden, challenges and hardships, let’s still be proud of ourselves since we were able to make it to the end.

Sa kabila ng mga dinanas nating mga hirap, pasakit at sakripisyo ay pilit natin itong nilampasan at hanggang sa kasalukuyan ay lumalaban at buhay pa rin.

Ang taong 2021 ay maituturing na isa sa pinaka-malupit at mahirap na taon sa kasaysayan ng ating lahi at maging sa buong mundo.

Mantakin n’yo ang mga sinapit nating hirap at pasakit mula simula hanggang sa katapusan ng taon maging sa araw ng Pasko, ‘di po ba?

Bukod sa pandemic na dulot ng CoVid-19 na kumitil ng maraming buhay ng ating mga kababayan, dinagdagan pa ito ng mga lindol at bagyo na mas lalong nagpalala ng sitwasyon ng kahirapan sa ating bansa.

Isipin ninyong magtatapos na lamang ang kasalukuyang taon at doon pa nanalasa nang husto ang bagyong Odette na mas lalong ininda ng mga kababayan natin sa Mindanao, Visaya, at Palawan.

Ang pinakamabigat dito, itinaon pa sa araw ng kapaskuhan, kung saan, handa na at naggagayak na ang lahat para salubungin ito.

Hirap na nga ay mas lalo pang pinahirapan ang madlang people na wala namang ibang hangad kundi mairaos maski na paano.

Saksi tayong lahat sa kasaysayang ito, marami rin ang namatay, nawalan ng tirahan, at kabuhayan partikular sa larangan ng agrikultura.

Sa kabila ng lahat, pinilit pa rin ng isa’t isa na maging masaya at hindi nagpaepekto sa delubyo hangga’t sila ay may buhay at hininga. Iyan talaga ang tunay na ugali at kultura ng mga Pinoy.

‘Di rin naman naiiba ang dinanas natin dito sa National Capital Region(NCR), para tayong pinaparusahan ng pandemya at hanggang ngayon ay may banta pa rin.

Marami rin ang nagugutom, namamalimos at maraming buhay rin ang nawala. Hindi natin alam kung kailan ito magtatapos dahil sa pagdating pa ng kung ano-anong variant na ang huli nga ay tinawag na Omicron.

Ganoon pa man ay iba pa rin ang ipinapamalas na tapang at lakas ng loob ng mga Pinoy hindi lang sa pandemya kundi maging sa lahat ng aspekto lalo sa kahirapan.

Ngayong magtatapos na ang taong 2021, dapat ipagbunyi nating lahat ang ating pinagdaanang hirap at sakripisyo na lalong nagpatibay ng ating katauhan at personalidad.

Minsan pa nating patunayan na kayang-kaya nating malagpasan ang lahat sa tulong ng isa’t isa at huwag kalimutang dumalangin sa ating Poong Maykapal.

Sabay-sabay nating salubungin nang positibo ang papasok na taong 2022. Nawa’y maging makabuluhan, maligaya at harinawa’y matapos na ang lahat ng krisis nating pinagdaraanan.

MATIKAS NA TRABAHADOR

Simple lang at tahimik ang personalidad nitong isang opisyal ng Manila Police District (MPD) ngunit ‘di rin karaniwan ang ipinapamalas na tikas at aksiyon nito partikular sa kanyang trabaho bilang isang alagad ng batas.

Kalilipat pa lang ng mama sa MPD-PS 7 bilang station commander mula sa Baseco police station kung saan siya galing nguni’t walang sinayang na oras kung saan nakita ang kanyang tikas bilang isang tunay na trabahador.

Mantakin ninyong wala pa yatang kalahating araw na nakaupo sa bago niyang presinto pero ibang klaseng aksiyon ang kanyang ginanap na lubos na ikinagulat ng marami partikular ang mga opisyal at kawani ng barangay sa kanyang nasasakupang lugar.

Isipin ninyong natigil agad ang gabi-gabing riot at rumble ng mga kabataan na lubhang ikinababahala ng mga residenteng naninirahan sa kahabaan ng Solis St., at Jose Abad Santos Avenue.

Matagal na umanong problema ito ng mga barangay dahil hindi nila ito masugpo o mapigilan man lang. Idinaing na rin daw nila ito sa ilang opisyal at awtoridad ngunit wala rin nangyari.

Namangha at nagulat ang lahat nang napuno ng mga pulis na nakaantabay ang nasabing lugar, kung saan nagaganap ang gabi-gabing riot lalo noong panahon ng Simbang Gabi.

Sa utos ng matikas na trabahador, lahat ng mga kabataan na naglalakad, grupo-grupo na ‘suspicious’ ay sinasabayan ng kanyang mga pulis at pinagsasabihang umuwi na sa kani-kanilang bahay at huwag nang umistambay.

Naging kalakaran na ang ganitong kaganapan gabi-gabi, na may police visibility at nakaantabay na mga reresponde, sakali mang may maganap na maski na anong gulo.

Hanggang sa kasalukuyan, wala nang nagaganap na riot at rumble sa mga nasabing lugar. Ngayon ay mahimbing na muling nakatutulog ang mga residente na dati’y binubulabog gabi-gabi ng batuhan, putukan, pagsabog ng pillbox at kung ano-ano pang ingay dulot ng riot.

Ipinaparating ng mga chairman, kawani ng barangay at ng mga residente ang taos-puso nilang pasasalamat  sa bagong station commander ng PS-7 na walang iba kundi si Supt. Robert Domingo.

Si Domingo ay ilan na lamang sa nabibilang na mga organic o original na pulis ng MPD at Manila’s Finest na tinaguriang  isang alamat.

Low profile at walang yabang sa katawan itong si Domingo ngunit puno naman ng aksiyon at galaw kung kaya’t binansagan siyang isang tunay na trabahador.

Kudos Supt. Domingo at nawa’y magpatuloy ang iyong inumpisahang adbokasya at paninilbihan sa publiko.

Mabuhay!

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …